Julie Anne San Jose at Rayver Cruz Nilinaw Na Ang Kanilang Relasyon!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


 Nilinaw na ng manager ni Rayver Cruz na si Albert Chua sa isang maikling pahayag sa text message ang totoong namamagitan kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

“Yes, it’s official na.” maikling sagot ng talent manager.

Matatandaang sa isang concert ipinahayag ni Rayver Cruz publicly ang pagmamahal para kay Julie Anne. Hindi naman ito binigo ng singer at kaagad na sinagot ang pahayag ng binata.

“Naalala mo nu’ng birthday mo, sinabi ko naman sa ’yo kung anong nararamdaman ko. Gusto ko lang din iparinig sa kanila. Julie Anne San Jose, I love you. I love you so much,” pahayag ni Rayver Cruz during the  concert.

“Gusto ko lang sabihin na sobrang thankful ako sa ‘yo. Ang dami nang nagbago sa buhay ko simula nu’ng dumating ka. Kaya gusto kong sabihin, I love you, too,” agad namang sagot ni Julie Anne.

Matatandaang nitong May 2022 sa mismong birthday ng dalaga ipinahayag ni Rayver Cruz ang kanyang nararamdaman.

Malaki naman ang pasasalamat ni Rayver dahil pumayag ang mga magulang ni Julie Anne na ligawan niya ang dalaga sa kanilang bahay.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo