Maine Mendoza Iyak Ng Iyak! Pinagsisihan Ang Maling Desisyon Sa Buhay

Martes, Abril 23, 2024

/ by Lovely


 Labis na nalulungkot ang actress-host na si Maine Mendoza dahil sa maling desisyon niya sa kanyang buhay. Naging padalos-dalos si Maine Mendoza sa kanyang desisyon kaya naman ngayon ay labis-labis na ang kanyang pagsisisi.


Ikinasal na si Maine Mendoza sa actor-politician na si Arjo Atayde noong July 28, 2023 sa Baguio, City. Ilang buwan matapos ang pagpapakasal ni Maine Mendoza kay Arjo Atayde ay napagdesisyunan nitong magpaputol ng buhok.


Labis naman ang pagkadismaya ni Maine Mendoza at labis siyang nagsisisi dahil sa naging resulta ng pagpapagupit niya sa kanyang buhok. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na noong ikinasal sina Arjo Atayde at Maine Mendoza ay maikli na ang buhok ng aktres.


Ayon sa pagbabahagi ni Maine Mendoza sa kanyang TikTok account, pinaputulan pa niya ito sa ibang bansa. Kalakip ng post ni Maine ay ang kanyang hairtranformation kung saan makikit ang kanyang excitement sa pagpunta sa salon.


Pagbabahagi ni Maine Mendoza na nais niyang ma-experience ang pagpapagupit sa isang sikat na hairsalon sa ibang bansa.


Subalit, nang makita niya ang resulta ay aminado siyang nadismaya siya at pinagsisisihan niya ang kanyang desisyon.


"When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known salon for the 'experience and spontaneity' only to regret it later. Sharing this TikTok with you because I really thought I'd come up with a cute 'new hair, who dis' content, but do not be fooled - it looks a bit off in person," pagbabahagi ni Maine Mendoza.


Sa comment section ng kanyang post ay marami naman sa mga netizens ang patuloy na sumusuporta kay Maine Mendoza at sinabing bumagay naman sa kanyang ang maigsing buhok.


Samantala, sa kanyang Instagram account ay muling ibinahagi ni Maine Mendoza ang kanyang selfie ng kanyang short hair kalakip ang caption na, hindi siya cute guys.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo