Paolo Ballesteros Nagbahagi ng Larawan nila ng Anak sa Kanilang Birthday!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


Masayang minarkahan ni Paolo Ballesteros ang kanilang kaarawan ng anak na si Kiera sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan nilang dalawa sa kanyang Instagram account.

"Happy birthday to us my darling daughter 🥰🥰 i love you," caption ni Paolo sa kanyang post.

Agad naman itong umani ng pagbati mula sa kanyang mga co-hosts sa noonshow na Eat Bulaga.

Komento ni Maja Salvador, “Happy Birthday Friend and Keira!!!” 

Saad ni Ryan Agoncillo, “Happy Birthday Beautifuls” 

Ani Pia Guanio, “HBD guys!” 

Dagdag pa ni Joey de Leon, “Haberdey Pao and Keira!”

Maging ang mga tagahanga ng host ay nagpaabot din ng kanilang pagbati para sa kaarawan nito at sa anak nitong si Kiera.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo