Nadine Lustre May Nais I-delete Sa Kanyang Buhay Kung Mabibigyan ng Pagkakataon!

Miyerkules, Nobyembre 30, 2022

/ by Lovely


 Ibinahagi ng aktres na si Nadine Lustre sa presscon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry niyang “Deleter” under Viva Films kung ano ang mga nais niyang burahin o i-delete sa kanyang past life kung mabibigyan ng pagkakataon.

Ayon kay Nadine ang nais niyang i-delete ay ang kanyang pagiging magastos sa walang kabuluhang mga bagay.

“Feeling ko yung paggastos ko before nu’ng mas younger pa ako ang gusto kong i-delete. Kasi I guess back then, siyempre gusto mo lang din mag-spend nang mag-spend on anything. Tapos ngayon kapag iniisip ko siya, ‘Bakit kaya ako gumastos para du’n?’ Parang sayang lang,” saad ng aktres.

Inamin rin ni Nadine na nagiging maingat na siya ngayon sa paggagastos at sa tuwing naiisip niya ang mga bagay na ginagastusan niya noon ay nanghihinayang na siya at tinatanong ang sarili kung bakit nga ba niya iyon binili.

Samantala, ibinahagi rin ni Nadine na hindi masyado siya nahirapan sa kauna-unahang horror-suspense film na pinagbibidahan niya.

“To be honest, for me hindi naman po ganu’n kahirap mag-imagine. Kahit naman nung mas bata ako very imaginative ako. Talagang aaralin mo lang yung eksena and sometimes ini-imagine mo talaga kung paano mo ito gagawin, kunwari sa line or kung ano yung aksyon mo,” paliwanag ni Nadine.

Nakatulong din umano sa kanya ang pagkakahilig niya sa mga horror films dahil nagkaroon na siya ng mga reference.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo