Bryanboy Muling Pinasaringan Ang Motivational Rice Ni Rendon Labador!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang pinasaringan ng Fashion Vlogger na si Bryanboy ang 'motivational rice' ng Motivational speaker na si Rendon Labador.


Matatandaan na tila chinallege ni Labador ang 'Gucci Rice' ni Bryanboy. Kaya naman kaagad na binweltahan ito ni Bryan na kagagaling lamang umano sa Italy.


“So balita ko merong napikon sa post ko. Bumubula ang bunganga niya. Ano gusto niyo gawin ko?” pahayag ni Bryan na nagkukunwari pang naiiyak.


Ibinahagi rin niyang bumili siya ng mamahaling pasta dahil nakakasawa na umano ang rice.


“Kakauwi ko lang galing Rome, Italy from a business trip at may pasalubong po ako sa inyo. Dedma na po tayo sa rice, chaka ang rice no nakakasawa. And here’s what I have for you “Fendi Pasta”. Medyo mahal lang siya kunti sa Gucci Rice. This is 40,000 Euros per package,” pagmamalaki niya sa video.


Ipinahayag pa niya ang kanyang saloobin sa pagbubukas ng isang restaurant na wala naman umanong tumatangkilik. Tinawag pa niya itong isang katangahan.


“Di po ba katangahan ang nagbukas ng restaurant tapos nilangaw ang grand opening?”

@bryanboy

Pasta na tayo wag sa rice

♬ original sound - Bryanboy

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo