Moira Dela Torre Open Na Sa Bagong Relasyon!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


Matapos ang anim na buwan ng paghihiwalay sa asawang si Jayson Hernandez, nagsalita na si Moira Dela Torre.

Ipinahayag ni Moira sa isang panayam na sa simula pa lamang ng taon ay may nararamdaman na siyang iba sa relasyon nila ni Jayson Hernandez bilang mag-asawa.

Matatandaang noong kinumpirma ni Jayson Hernandez ang kanilang hiwalayan ay sinabi niya na siya ang naging unfaithful sa relasyon nila ni Moira.

Samanta, sa kabila ng mga pinagdaanan ni Moira sa panahong iyon ng kanyang buhay kung saan pakiramdam niya ay nawawala siya, ibinahagi ni Moira na nalampasan na niya ang lahat muling nakabangon.

“I am just enjoying life whether it’s a good day or a bad day. I’ve learned to embrace whatever I wake up to. When I exited that season, I felt like I was released from prison or something. It felt like I was allowed to be the created Moira that wrote ‘Malaya’ and I lost her a little bit,” pagpapahayag pa ni Moira.

Sa tanong kung handa na ba siyang sa muling pakikipagrelasyon, sinabi ni Moira na very much open siya.

Subalit, hindi naman umano umabot sa punto na siya ang maghahanap. Alam na umano niya na dadating ito ng kusa para sa kanya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo