Bongbong Marcos Muling Nagpropose Sa Kanyang Asawa Sa Kanilang Anniversary!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


Hiniling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang asawang si Liza Marcos na pakasalan siyang muli sa kanilang ika-30 anibersaryo ng kasal.


Sina Bongbong Marcos at First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos ay may tatlong anak na sina Senior Deputy Majority Leader Sandro, Joseph Simon, at William Vincent. 


Matatandaan na noong September 2022, binalikan ni Pres. Bongbong Marcos kung paano nagsimula noon ang kanilang lovestory na mag-asawa sa New York.


Pagbabahagi ni Pres. Bongbong na nagkita sila ni Liza sa New York noong 1986 nang ito ay nagtatrabaho pa noon bilang isang abogado.


Samantala, bilang pag-alala sa kanilang pagmamahalan muling hiniling ni Pres. Bongbong Marcos na muli siyang pakasalan.


“She said YES (again)!”


“30 years later there is still no place I’d rather be and no person I’d rather be with. Liza, you will always be the girl of my dreams,” caption ni Pres. Bongbong Marcos sa kanyang Facebook post.


Ibinahagi rin ng Pangulo ang kanyang proposal sa kanyang asawa.


“Dearest Liza, make all my dreams come true. Marry me again! Happy anniversary!”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo