Lolit Solis Namimiss Na Ang Love Box Ni Gretchen Barretto!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


Nagbahagi ng ilang thoughts si Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account hinggil sa pagtatapos ng November.

Ipinahayag din ni Manay Lolit Solis na namimiss na niya ang 'love box' na ibinibigay ni Gretchen Barretto.

Pinagkumpara din ni Manay Lolit Solis ang kaibahan ng Christmas season noon at ngayon. Ayon kay Manay Lolit, hindi na kasing busy at festive ang pasko ngayon.

"December na at bigla na miss ko Salve ang pagiging busy nuon ng showbiz dahil sa festival tuwing ganitong buwan. Iyon talagang halos lahat sa showbiz excited at parang isang fiesta para sa lahat."

"Nakaka miss din ang Love Box ni Gretchen Barretto na talagang naging malaking surprise sa lahat dahil pati ang pinaka lowest na member ng industriya nakatanggap ng regalo ni Gretchen na wala pang nakagawa kahit sino sa showbiz."

"December is the most festive month kahit pa nga meron din festival pag June. Ito ang pinaka hihintay ng lahat, isang magandang year ender para sa mga artista at lahat ng miyembro ng showbiz."

Nalulungkot din umano si Manay Lolit dahil tila isang ordinaryong buwan na lamang ang December ngayon sa loob at labas ng showbiz.

"How sad na iba na ang mga nangyayari ngayon kaya iba narin ang feeling ng lahat sa showbiz. Parang isang ordinaryong buwan na lang ang December. Wala na iyon hustle and bustle. Wala na iyon sobrang excitement. Wala na iyon pila sa office ni Mother Lily. Iyon malalaking stars na busy dahil kasali sa festival. Hay nakakamiss talaga Salve at Gorgy."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo