Aj Raval Nanganak Na! Aljur Abrenica Sobrang Saya Sa Kanilang Baby!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Sparkle

 


May tsismis na ipinanganak na ni AJ Raval ang kanyang anak sa rumored boyfriend na si Aljur Abrenica. Ibinahagi ito sa pinakabagong vlog ng talent manager na si Ogie Diaz. Ayon dito, nanganak si AJ Raval noong Nobyembre 18 o 19 sa isang ospital sa Pasig City.

"May nag-confirm na si AJ Raval ay nanganak na! Pinatotohanan pa ito ni ate Cristy dahil ang alam ko si Aljur Abrenica ang source. Pero ito ay mariing pinabulaanan ni AJ na kung matatandaan pa natin ay nagpakita pa ng mga pictures bilang patotoo na hindi siya buntis."

"Itong source natin na nanganak sa isang payak na hospital sa Pasig itong si AJ, na noong idating doon ay nakatakip ang mukha pero hindi siya sa delivery room nag-deliver, ni room in na ibig sabihin kung saan siyang room, doon na lang isinagawa yung kanyang delivery."

"Habang si Aljur raw ay nandoon sa labas ng hospital nu'ng madaling araw ng November 19, na nag aabang sa labas kasi nandoon siya sa loob ng sasakyan naka-face mask, na eventually nalaman ng ating source na si Aljur nga yun kasi tinanggal na ang face mask. "

Inilabas daw kaagad si AJ pagkatapos nitong manganak. Alvarez ang ginamit na apelyido ni AJ dahil iyon ang apelyido ng kanyang ina.

Tapos sinasabi ni AJ na kamag-anak nila ang doktor, kaya pagpasok nila sa emergency room, dumiretso sila sa room-in.

Nagtataka daw ang ibang pasyente sa ospital kung bakit nakatakip ang mukha ni AJ. Kaya pala nila nalaman na si AJ iyon dahil sa tattoo nito sa dibdib.

Ayon kay Ogie, siguro ay maliit lang talaga magbuntis si AJ kaya hindi masyadong halata ang kanyang tiyan noon. Lalong idiniin na nanganak si AJ nang mag-post ito ng mga larawan sa kanyang social media.

Kapansin-pansin din ang hubog ng katawan ng aktres na kakapanganak pa lang. Agaw pansin din ang kanyang dibdib na lalong lumaki dahil sa gatas.

"Naghahanda na sila sa pagdating ng new born baby ni AJ Raval at Aljur Abrenica kaya nagdidisinfect sila, naglilinis ng buong bahay!"

"Like father, like daughter tinatago mga anak nila be proud to your child"

"Confirmed sa puson at baywang. Ganyan talaga pag nanganak na high waist ang sakalam di kasi magiging halata pero obviously nanganak na nga, sa mukha mukhang pagod. Postpartu look but still look good."

Sa ngayon, wala pang pahayag ang ama ni AJ na si Jeric Raval at ang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo