Lolit Solis Muling Binalikan Ang Manager Na Nag-power Trip Sa Kanya/ Hindi Maka-move on!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


Tila hindi pa rin tuluyang nalilimutan ni Manay Lolit Solis ang panpopower trip sa kanya ng isang manager.

Sa kanyang Instagram account, sinabi niyang pathetic ang taong nan-popower trip. Hindi man niya pinangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy agad na itong na-gets ng mga netizens.

Tinawag din niya itong narrow-minded. Muli nitong binalikan ang pagpapatanggal umano nito sa kanila sa mga invited guests.

Samantala, nilinaw naman ni Manay Lolit na hindi kasalanan ng talent ang maling desisyon ng manager dahil sumunod lamang ito upang hindi na ma-issue.

"Natatawa ako sa pagiging power tripper ng isang manager, Salve. Iyon pinigil niya na mag attend ang kanyang alaga dahil lang si Gorgy ang TC at member ka ng Speed. Wow talaga sa powertripping at sa pagiging narrow minded. Kilalang mahusay ang PR ng artistang hawak niya, pero nagawa niyang pigilan ito kahit pa nga nakasagot na sa invitation ng talent coordinator na si Gorgy. Hindi kasalanan ng talent dahil siyempre kailangan sumunod siya sa utos ng manager niya para huwag magtampo na baka maging dahilan pa ng away. Dito mo makikita kung ano klase ng utak meron ang isang tao. Naku ayaw kong isipin na baka dahil incomplete ang buhay niya kaya siya ganito kababaw. Sana naman senior moment lang ito na nangyayari sa kanya. Pathetic, so sad. Magsama na lang sila ng bff niyang puno din ng kagagahan sa buhay kaya lomolobo ang katawan. At isa pang manager na puno ng ilusyon kaya jobless ang mga alaga. Hay naku, masama gising ko kaya bad ang mood ko, hah hah, biglang pumasok ang mga character na kontrabida sa vision ko. Sorry po, dala lang ng boredom ng dialysis. Sorry po."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo