Alden Richards Nagbigay Na Ng Reaction Sa Mga Ilusyon Ng Aldub Nation!

Walang komento

Martes, Nobyembre 29, 2022


Nagbigay na ng pahayag si Alden Richards hinggil sa isyu ng mga Aldub fans na patuloy na naniniwala na may anak na sila ni Maine Mendoza.

Ayon kay Alden Richards, walang ibang nagmamay-ari sa kanya kundi ang kanyang sarili lamang. May sarili umano siyang pag-iisip at maaring mag desisyon para sa kanyang sarili. Bagama't malaki ang pasasalamat sa natanggap niyang suporta ng Aldub Nation hindi umano niya hahayaang diktahan na lamang siya ng mga ito at kontrolin siya.

“We’re grateful but I make a stand to not let people control my life. Ito ang prinsipyo ko sa buhay. Hindi ako property ng kahit sino. I have my own choices, I have my own decisions so I stick to that." saad ni Alden.

Nauna nang nagbigay ng pahayag ang aktres na si Maine Mendoza, kung saan ipinahayag niya na napapagod na siyang mag-explain sa ilang mga fans na patuloy pa ring naninindigan na may relasyon sila ni Alden Richards at may anak pa.



Moira Dela Torre Ibinahagi Ang Kanyang Paghihirap Dahil Sa Hiwalayan Nila ni Jayson Hernandez!

Walang komento


 Matapos ang ilang buwan pananahimik ni Moira Dela Torre hinggil sa detalye ng hiwalayan nila ng asawang si Jayson Hernandez, sa wakas nagbigay na ng detalye ang singer.

Inilabas ni Moira Dela Torre ang lahat sa interview ni MJ Felipe para sa programang “TV Patrol.” Ibinahagi ni Moira ang kanilang pinagdaanang pagsubok na naging dahilan kaya nauwi sila sa hiwalayan.

Ayon kay Moira tila naka autopilot na lamang siya sa kanyang pagtatrabaho.

"I lost myself. It’s been a long time. I think my heart was prepared for it. Just because my mind was walking through it unconsciously, I’ve been on auto pilot for a long time," pahayag ni Moira.

Ibinahagi rin ni Moira na sa simula pa lamang taon ay nararamdaman na umano niya na may mali sa relasyon nila ni Jayson. Inilahad din niya ang pinagdaanang mental health issues dahil sa pinagdadaanan ng kanilang buhay mag-asawa.

“I think when the year started pa lang, I was getting this weird feeling that I was about to enter into a new season and I didn't know what it was. I wasn’t aware that I was so numb for a long time," pagsisiwalat ni Moira.

Sa ngayon ay natanggap na umano niya ang lahat at alam na umano niya ang kanyang self worth at alam na umano niya kung paano alagaan ang sarili.



Heart Evangelista, binati si Atasha Mulach sa pag-represent ng bansa sa Le Bal des Debutantes!

Walang komento

Lunes, Nobyembre 28, 2022


 Binati ni Heart Evangelista si Atasha Mulach sa pagiging representative ng Pilipinas sa pretigous Le Bal des Débutantes 2022. 

Si Heart Evangelista ay isa ding Le Bal, ang kaganapan ay isang debutant ball at fashion celebration na pinagsasama-sama ang mahigit 20 lalaki at babae na representative mula sa iba't ibang bansa sa buong mundo. 

Ang mga kinatawan na nasa pagitan ng edad na 16-anyos hanggang 22-anyos at sasamahan ng kanilang mga magulang. 

Sa post ni Heart na nagpapakita ng pic niya kasama ang mga magulang ni Atasha na sina Aga Mulach at Charlene Gonzales, tinawag niyang ‘Pinoy pride’ ang young celebrity. 


Kiray Celis Tinuring Na Mga Secret Admirer Ang mga basher!

Walang komento


 Ibinahagi ng aktres na si Kiray Celis sa isang panayam na tinuturi niyang secret admirers ang mga taong nambabatikos sa kanya.

Tinawag umano niya ito dahil mas updated pa ang mga ito sa kanyang buhay.

"'Yung mga 'yan, alam mo, mga secret admirer ang tawag ko sa kanila. Kasi they are updated, the more na pinapansin nila picture ko mas kinikilig po ako. "Wala namang mangyayari kung papatulan kita. Lalo na pag inisip ko na parang hindi naman ako magkakapera sa'yo so bakit kita papatulan?" pahayag ni Kiray.

Anak ng Singer na si Janno Gibbs Ikinasal Na Sa Kanyang Long Time Boyfriend!

Walang komento


Tiyak na super proud sina Janno Gibbs at ang kanyang asawang si Bing Loyzaga sa kanilang anak na si Alyssa Gibbs. Sa wakas ay nagpakasal si Alyssa sa kanyang longtime boyfriend na si Anton Cruz sa The Palm House sa Sydney, Australia.

Limang taon nang engaged sina Anton at Alyssa bago ang kanilang kasal. Ang mga celebrity parents ni Alyssa at ang kanyang kapatid na si Gabby ay nandoon sa nasabing oksayon.

Ginanap ang wedding reception sa isang fancy restaurant sa loob ng Art Gallery ng New South Wales. 

Agad na nagviral sa social media ang mga larawan mula sa kanilang kasal. Makikita naman sa nasabing mga larawan na parehong nag-enjoy sina Anton at Alyssa sa araw ng kanilang kasal.

Zeinab Harake at Ivana Alawi Nag-bonding Sa Baguio, Naghahanap ng Forever!

Walang komento


 Muling nagka bonding ang magkaibigang vlogger na sina Zeinab Harake at Ivana Alawi kasama ang ilan pang mga kaibigan. Sa pagkakataong ito sa Baguio naman sila nagpunta.

Biro pa ng dalawa baka naroroon ang kanilang forever. Game na game naman si Ivana sa pagkasa sa ilan sa mga challenges na ipinapagawa sa kanila.

Kaya naman ng i-challenge nila ang sexy actress na mag-crop top ito sa bago sa kabila ng lamig ay agad na kumasa si Ivana. 

Samantala, ibinahagi din ni Zeinab Harake sa nasabing vlog na kapag magkasa sila ni Ivana ay kadalasang nililibre siya nito.



Cristy Fermin Sinabihang Ikakasal Na Ang KathNeil Sa Susunod Na Taong 2023!

Walang komento


 Naniniwala si Cristy Fermin sa sinasabi ng kanyang source na nalalapit na ang pagpapakasal ng real life couple na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bagama't wala pang nagaganap na proposal sa pagitan ng dalawa kumbinsido sila Manay Cristy na magaganap sa susunod na taong ang 'wedding of the century' ng KathNeil.

Isa sa pinagbabasehan nina Manay Cristy ay ang matagal ng relasyon ng dalawa at matatag na umano ang pundasyon ng mga ito. Nasa tamang edad na din umano ang dalawa upang magsimula ng isang pamilya.

"Labing-isang taon na po silang magkarelasyon. It's about time. Pati po ang kanilang mga edad, tamang-tama po talaga. Hinog na hinog na ang relasyong ito para sa pagpapakasal," pahayag pa ni Manay Cristy.



AJ Raval Nagpost Ng Full Body Picture Sa Gitna Ng Isyung Kapapanganak Pa Lamang!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng social media ang sunod-sunod na pagbabahagi ng update ng sexy actress na si AJ Raval ng kanyang larawan matapos ang ilang buwang pananahimik sa social media.

Kasabay nito lumabas din ang mga haka-hakang kapapanganak pa lamang umano ng aktres. Ayon sa pa sa mga ulat ay pasekreto itong nanganak sa isang lying in. Nakilala lamang umano ito dahil sa tattoo sa dibdib.

Kasama din umano ni AJ sa panganganak ang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica na nakilala naman dahil sa pagtatanggal nito sa kanyang facemask.

Samantala, tila nakarating na kay AJ ang baklitang ito kaya upang ipakita ang estado ng kanyang pangangatawan agad nagbahagi ng full body picture si AJ kasama ang dalawang empleyado.

"Taking care of yourself means taking care of your environment," caption ni AJ sa kanyang post.

Kaya naman naguguluhan ngayon ang ilang mga netizens kung totoo nga bang nanganak ito.

Kris Aquino May Emosyunal Na Mensahe Para Sa Ika-90 Kaarawan Ng Ama!

Walang komento


 Muling nagbigay ng update si Kris Aquino sa kanyang Instagram account upang magbahagi ng emosyunal na mensahe para sa kanyang yumaong ama na si Dating Senator Ninoy Aquino Sr. sa 90th birth anniversary nito.

Makikita sa Instagram post ni Kris ang old photo niya kung saan suot-suot niya ang t-shirt na may mukha ng kanyang ama.

Caption ni Kris sa kanyang post, "How could the person mom would always say was your female version possibly forget? In heaven you celebrated your 90th birthday."

Dad, just a rhetorical question- bakit pati yung cardiovascular problems mo minana ko? My genetic testing cleared me for all types of cancer (thank you God) but 2 of my life threatening autoimmune issues have an effect on blood flow, heart, and lung function…bimb at 15, already has high cholesterol issues (we were both saying kuya is really the favorite of his Lola Cory & tito Noy because maganda ang blood panel nya.)

i only experienced having you as my dad for 3 years & 3 months from May 8, 1980 to August of 1983- yet you gave me so much of you… because we had to get to know each other (i was 19 months old nung kinulong ang dad namin)… from watching the nightly evening news, to our Barnes & Noble bonding, watching movies (our last was Return of the Jedi), going to all my school events- among the 5 of us i was so blessed…

in Boston you weren’t a Vice Governor, Governor, Senator, or a political prisoner sentenced to death by firing squad- you were just my dad who called me “beautiful”…
when my movies, tv shows & endorsements were all happening, mom was proud BUT in my heart i knew you were even prouder… because you were the 1st to believe my childhood dreams would come true.

Dad, that’s what sets you apart- your charisma came from the fact everyone who was in your company felt special; innately Ninoy Aquino knew how to make it all about others & never about himself.

Yes you were a great writer & speaker BUT more than that naka focus ka sa mga taong kaharap mo…unselfish talaga yung pagmamahal mo sa kapwa Pilipino.

Subukan mang baguhin ang kwento ng kahapon, it’s from you i learned to NEVER show anger, NEVER reveal your weakness. The child of Ninoy & Cory, the last still carrying their last names, learned from both: Faith in God, Patience, protecting your Integrity, standing firm w/ your words, Trustworthiness & caring for all Filipinos regardless of chosen “color”, and sharing w/ those in need- those are values i hold on to & do my best to instill in my sons. God sees all & that’s what matters.

Kalakip pa ng mahabang caption na ito ang hashtag hero na ginamit ni Kris.

Samantala, agad namang nagpahayag ng pagsuporta ang ilang malalapit na kaibigan at mga followers ng Queen Of All Media. Maging mga ito ay naging emosyunal sa pag-aalala sa dating senador.

Lupa Ng ABS-CBN Pinagbibinta Na, Pambayad Utang?

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagbibinta ng lupa ng ABS-CBN malapit sa ABS-CBN's Broadcasting Station.

Ayon pa sa mga ulat, na ang lupang ito ay nasa area ng South Triangle ng Diliman Quezon City. Naibenta ang lupang ito nitong third quarter ng taong 2022.

Hindi naman naiulat kung magkano ang exact value ng pagkakabenta ng lupa at kung sino ang buyer nito. Subalit may mga lumalabas na usap-usapan na nasa 1.6 billion pesos na ang appreciated value nito noong 2020.

Kaya naman tila naibenta ng ABS-CBN ang lupa sa halagang 2 billion pesos. Ayon pa ilang mga bulong-bulungan na ipapambayad umano ito ng ABS-CBN sa kanilang utang.

Claudine Barretto Inoperahan, Humihingi Ng Dasal!

Walang komento


 Nagbahagi ng video clip ang aktres na si Claudine Barretto sa kanyang Instagram account, kung saan isiniwalat niya na siya ay magpapa-opera. Kaya naman humihingi siya ng dasal.

Makikita sa video na nakasakay si Claudine sa isang wheelchair na tulak ng isang staff. Tila papunta na sila sa operating room.

"Okay, good morning everybody. It's already almost 5 a.m. I'm here at St. Luke's Global to have my operation sa -- ko. So, the operation will be at 7 a.m. Wish me luck. Pray for me. Thank you." pahayag ni Claudine sa video.

Sa caption hiniling ni Claudine na sana'y ipagdasal ang kanyang matagumpay na operation.

Nauna nang naiulat na isinugod sa ER si Claudine Barretto. Bagama't hindi sinabi ang sanhi nito, ipinahayag naman ng aktres na hindi Covid ang kanyang sakit.

Korean Dream Mentor, Tumalak Onlinne Dahil Na Bored Sa Mga Pinoy Dream Chasers!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon online ang pagtalak ng Korean Drea Mentor na si Bae Yoon Jung sa Pinoy idol hopefuls sa kamakailang episode ng “Dream Chasers.”

Kilala ang Korean superstar mentor bilang isa sa mga original na humubog sa mga sikat na celebrities sa Korea. Produkto din ng original na format ng Produce 101 ang K-pop-idol at actress na si Kim Sejeong.

Nauna nang nag-viral ang pahapyaw na mga opinyon nito at nito ngang Sabado, Nob. 26, isang direktang pahayag ang pinakawalan ni Bae Yoon.

“I’m having difficulty because I was so bored! DREAM MAKER will not just make a P-POP group. This is a collaboration of both KOREA and PHILIPPINES the winner will be launched in KOREA,” diretsang pahayag ng Korean mentor.

“I know that you are not used to training but you all like lethargic (matamlay) and don’t like what you are doing!The mind is important. That your mind likes what you are doing. And that you want to win! And that’s what I want but I don’t feel it from you,” striktang saad pa niya.

“I hope you feel ashamed for the many people who wanted to be here but didn’t make it because you were chosen. Don’t forget that and it should stick in your head,” pagtatapos ni Bae Yoon.

Samantala sa 62 chasers, pito lamang ang matitira at lilipad sa Korea para mag-training at opisyal na ipakikilalang global group.

Maja Salvador Namaalam Na Sa The Iron Heart!

Walang komento


 Ipinahayag ni Maja Salvador ang kanyang pamamaalam sa ginampanang role sa teleseye ng ABS-CBN na The Iron Heart na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Ginampanan ni Maja Salvador ang papel ni Cassandra ang girfriend ni Apollo na ginampanan naman ni Richard Gutierrez.

Pinasalamatan ni Maja ang Star Creatives sa pagbibigay sa kanya ng role.

"Thank you Kapamilya! ❤ Thank you @StarCreativesTV sa pagtitiwala sa akin na gampanan ko si Cassandra! Hanggang sa muli! Paalam Cassandra!" pagbabahagi ni Maja.

Agad namang nagpahayag ng kalungkutan ang kanyang mga tagahanga sa maagang pag-exit sa teleserye.

"Sad naman special participation ka lang pala sa iron heart sobrang saya ko pa naman nung malaman ko na may teleserye ka ulit sa kapamilya network pero ang bilis mo naman pala nawala." saad ng isang netizen.

Mga Anak Nina Andrew Schimmer Nakuntento Na Lamang Na Mahawakan Ang Ina!

Walang komento


Muling ibinahagi ni Andrew Schimmer sa kanyang Youtube vlog ang pagbisita ng mga anak sa kanilang ina na kasalukuyang nakaratay sa hospital.

Mag-iisang buwan ding hindi nabisita ng mga bata ang kanilang ina matapos nitong muling isugod sa hospital at ipasok sa ICU.

Matatandaang noong October 10 ay naiuwi na nila Andrew si Jho. Subalit nagkaroon ito ng complications kaya muli nilang ibinalik sa hospital.

Subalit patuloy nang nag-improve ang kalagayan ni Jho kaya pinayagan na ng mga doktor na mabisita ng mga bata.

Samantala, makikita sa ibinahaging video ni Andrew ang labis na pangungulila ng kanilang mga anak na nakuntento na lamang sa paghawak sa kanilang ina na kasalukuyang natutulog.

Labis naman na naaawa ang mga netizens sa pamilya Schimmer at hiniling ang agarang paggaling ni Jho. Para muli na itong makasama ng mga bata.

Humahanga din ang mga ito sa tatag ni Andrew maging ang kanilang mga anak. Hinding-hindi makikitaan ng kawalan ng pag-asa ang pamilya at patuloy na naniniwalang babalik sa dati ang kanilang ina.



Source Ni Ogie Diaz Sinabing Pasekretong Nanganak si AJ Raval!

Walang komento


Ibinahagi kamakailan ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz na naguguluhan siya kung papaniwalaan ba niya ang isa sa kanyang mga sources.

Hindi umano niya alam kung papaniwalaan ba niya ang pinagsasabi nito na umano'y nanganak na si AJ Raval.

Matatandaang, pinabulaanan ng ama at ina ni AJ Raval ang isyu na nagdadalang tao ang kanilang anak.

"Ako'y nagugulumihanan. Ano ba ang paniniwalaan natin? Itong source natin na sinabing nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig itong si AJ, na nung dumating doon eh nakatakip ang mukha. Pero hindi siya dun sa delivery room nag-deliver, ni-room in lang," pagbabahagi ni Ogie sa sinabi ng kanyang source.

Ibinahagi pa ng talent manager na naroon din umano si Aljur at naghihintay sa sexy actress.

"Si Aljur Abrenica raw ay nandun sa labas ng madaling araw, noong November 19, nag-aabang sa labas. Nandun siya sa loob ng sasakyan, naka-face mask, hanggang sa eventually malaman ng ating source na, 'Ayun. Si Aljur nga yun.' Kasi tinanggal ang face mask," pagkukwento pa nito.

Dagdag pa ni Ogie na hindi umano ginamit ni AJ ang apilyedo niyang Raval kundi Alvarez. Pagkatapos ay agad umano silang lumabas. Nalaman umano nilang si AJ Raval iyon dahil sa tattoo sa dibdib.



Exercise Session nina Judy Ann Santos at Luna, Kinakatuwaan Online!

Walang komento


 Nagbigay goodvibes online ang ibinahaging video kamakailan lamang. Kung saan makikita silang mag-ina na nag-e-exercise.

 Bukod rito nagbahagi rin ang aktress ng mga larawan nila ng anak na si Luna Agoncillo.

"A great exercise and happy bonding moment with my Luna Bunny! Nakakakilig! She's always active, cheerful and a happy Chikiting. Kampante ako that she's getting the right nutrition she needs in her growing up years dahil siya ay healthy, palaging masigla at di sakitin." caption ni Juday sa kanyang post.

Agad namang umani ng paghanga mula sa mga netizens ang pinaggagawa ng mag-ina.

AJ Raval Nagbigay Nagpost ng Bagong Larawan Sa Social Media, Agad Nag-viral!

Walang komento


 Matapos ang ilang buwang pananahimik sa social media, muling nagbigay ng update si AJ Raval sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang larawan sa kanyang Instagram at Facebook account.

Agad namang nakuha nito ang pansin ng ilang netizens. Agad itong umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens.

Labis na pinuri nila ang taglay na ganda ng sexy actress.

Si AJ Raval ay ang itinuturong third party sa hiwalayan nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Nadawit din siya sa isyu noon sa pagitan ng dating magkarelasyon na Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Matatandaang, inintriga din si AJ ilang buwan na ang nakakalipas, na umano'y nagdadalang tao ito sa anak nila ng aktor na si Aljur Abrenica. Matapos nilang makita na magkasama noong nakaraang Valentines Day sa isang resort sa Leyte.

Agad naman itong pinabulaanan ni AJ  sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang flat tummy.

Rabiya Mateo Nagmukhang Che@p, Rabiya Agad Bumwelta!

Walang komento


Agad sinagot ng dating Ms. Universe Philippines na si Rabiya Mateo ang pang-ookray ng isang netizens sa kanya. Kung saan sinabihan siyang mukhang cheap.

Agad gumawa ng tiktok video ang dating beauty queen at pinagsabihan ang tumawag sa kanyang cheap. "In the world full of bullies, be kind," caption ni Rabiya sa kanyang post.

"You know what, madam, miss or, hindi ko alam kung paano kita i-a-address. You know what, you can be the most expensive-looking person but if you're mean or rude, or the way you think or talk to people is not right, I don't think na I want to be somebody like you. Ako, I'm proud of myself. I'm proud kung paano ako manamit, kung paano ako magsalita, kung paano ako makikapwa tao," pahayag ni Rabiya sa video.

"At baka isipin nyo po na shini-shame ko kayo because of your age, but hindi po ganon. But I hope, sa edad niyo pong 'yan, marami na kayong natutunan sa buhay. And you should be a good example to your family, to your kids, to your apo kung meron ka na po. Dahil hindi ganyan dapat mag-act sa social media. Marami na po kayong pinagdaanan sa buhay, I'm sure of that. And sana you chose to be a good person na makaka-inspire ng ibang tao 'di ba? Pero sige, bigay ko na lang po 'yon sa inyo. If I look cheap, pasensya na po. Pero I will never be somebody like you," dagdag pa ni Rabiya.



Kapuso Singer Aicelle Santos, Nagluluksa Sa Pagkawala Ng Kaniyang Ina

Walang komento

Linggo, Nobyembre 27, 2022


 Labis na nalulungkot ang Kapuso singer na si Aicelle Santos dahil sa pagpanaw ng kanyang ina.

Ibinahagi pa ni Aicelle ang ilang nakakalungkot na tagpo sa burol ng kanyang ina na namayapa kamakailan lamang.

Una nang naiulat na nasa kritikal na kondisyon ang ina ni Aicelle matapos atakehin sa puso tatlong buwan na ang nakakalipas.

Matatandaang humingi pa si Aicelle ng tulong lalo na ang sa pinansyal dahil sa kinakaharap na pagsubok ng kanilang pamilya.

Subalit nitong byernes malungkot na ibinahagi ni Aicelle sa kanyang mga followers sa Instagram ang tuluyang pamamaalam ng kanyang ina. Sa pamamagitan ng isang larawan ng paro-paro na dumapo sa kanyang mga kamay.

“I know this is you, Ma.💛 Fly free now. Mahal na mahal na mahal po kita,” caption ng IG post ni Aicelle.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo