RR Enriquez Nanggigil Sa Post Ni Pambansang Kolokoy Tungkol Sa Anak Sa Ibang Babae!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


 Tila hindi na makakapaghintay si RR Enriquez na ishoot ang kanyang Sawsawera vlog hinggil sa latest post ni Pambansang Kolokoy kung saan nag-flex ito ng isang larawan sa anak niya sa ibang babae.

“Kahit ano pang sabihin ninyo sa anak ko, anak ko pa rin siya. Anak ko siya sa pagkakasala? Walang ganun! Hindi siya ibibigay sa akin ng Diyos kung kasalanan ang aking nagawa," caption ni Pambansang Kolokoy sa kanyang social media.

Bagama't agad nitong binura ang nasabing post nakakuha na ito ng attention ng ilang mga netizens na agad kumuha ng screenshots. Agad itong umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens.

Maging ang tinaguriang Sawsawera Queen ay hindi narin nakapagpigil sa nadaramang inis sa post ni Pambansang Kolokoy at nakapagbigay na ng opinyon.

“As a Sawsawera Queen I can’t wait to shoot my sawsaw vlog to this post kaya better to say a word now… Mr. Pambansang Kolokoy!!! Blessings ang baby kahit ano pa ang mangyari because they’re innocent. But don’t justify your mistakes by telling everyone na cheating is a blessing ELBOW KITA KOYA YOU LIKE😂. Gigil much si Sawsawera Queen nyo,” pahayag ni RR sa isang social media post.

Samantala wala pang naging tugon si Pambansang Kolokoy hinggil sa isyung ito.

Matatandaang ginulantang ng vlogger ang buong social media nang aminin ang hiwalayan nila ng kanyang asawa at ang pagkakaroon na nito ng bagong kinakasama.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo