Kylie Padilla, Handa Nang Tumanggap Ng Sexy at Daring Roles!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


 Sa isang panayam, ibinahagi ng estranged wife ni Aljur Abrenica na si Kylie Padilla na handa na siyang tumanggap ng sexy at daring roles sa mga susunod niyang projects.

Ayon kay Kylie nais niyang mag-explore ng panibagong role sa labas ng kanyang comfort zone, na makakapagbigay ng panibagong challenge sa kanya bilang isang artista.

“Yes, I’m ready. If it calls for it, ready naman. Pero hindi naman dahil sa gusto kong mag-daring. Depende sa character talaga. Kung kailangan sa character na ‘yun bigyan natin ng justice. Sinabi ko rin ‘yun sa mga manager ko, sa mga handler ko, ‘Try naman natin ‘yung mga character na kakaiba kasi gusto kong tumalon, gusto kong magbago bilang isang tao, and matuto sa mga character na ‘yun,” aniya pa.

Samantala, malapit na muling mapanood si Kylie sa isang teleserye sa GMA7.  Naghahanda na ngayon si Kylie sa isang action series kung saan makakasama niya sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Arra San Agustin, Michelle Dee at Rochelle Pangilinan.

Huling napanood si Kylie sa isang teleserye sa kauna-unahang sports series ng network. Kung saan ginampanan niya ang role ng isang billiard prodigy.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo