Tatapatan Si Aj Raval!? Kylie Padilla Ready Na Magpa- Sexy!

Miyerkules, Nobyembre 30, 2022

/ by Sparkle

 

Handa na si Kylie Padilla sa mga mature roles na nangangailangan ng pagsilip ng laman. Tinanong ang dating asawa ni Aljur Abrenica kung handa na ba siyang magkaroon ng mga sexy roles para sa kanyang mga susunod na proyekto.

Doon niya sinabi ang kanyang dahilan kung bakit siya pumasok sa pag-arte. Paliwanag ni Kylie, naging artista siya para mag-portray ng iba't ibang tao. Kaya naman kung kailangan ng karakter niya, handa siyang magpa-sexy.

"Sinabi ko rin yun sa mga manager ko, sa mga handler ko. Try naman natin yung character na kakaiba kasi gusto kong tumalon, gusto kong magbago bilang isang tao, ang matuto sa mga character na yun", sabi ni Kylie.

"I'm ready, if it calls for it, ready naman. Pero hindi naman dahil sa gusto kong magdaring. Depende sa character talaga.", aniya pa.

Matatandaang na-link ang kanyang estranged husband na si Aljur kay AJ Raval, isang sexy star na game magstrip sa kanyang mga pelikula.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo