Cristy Fermin Tinalakan Si Sharon Cuneta Matapos Patulan Ang Nagtanggol Kay KC!

Walang komento

Martes, Oktubre 17, 2023


 Tinalakan ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang Megastar na si Sharon Cuneta matapos nitong patulan ang isang netizen na nagkomento sa kanyang post.


Ayon sa komento ng netizen, sana itigil na ni Sharon ang pagkukumpara sa kanyang mga anak na sina Frankie at KC Concepcion.


Hindi naman napigil ni Cristy Fermin na maglabas ng saloobin sa pagpapatol ni Sharon. Ayon kay Cristy Fermin, hindi na umano dapat pinatulan pa ni Sharon Cuneta ang mga komento ng mga bashers.


Matatandaan na sinaway ni Sharon Cuneta ang isang basher na nagkomento sa kanyang Instagram post na itigil na niya ang pagkukumpara sa kanyang mga anak.


Ayon kay Sharon, hindi niya kinukumpara ang kanyang anak at dapat na umanong itigil ng mga bashers ang pagsasabong sa kanila.


Sakabilang banda, ipinahayag ni Cristy Fermin na hindi naman masisisi ni Sharon kung nagpahayag ang mga netizens kung magsalita ito ng hindi maganda sa kanya.


Dahil matatandaan na noong in-unfollow ni KC sa Instagram sina Kiko Pangilinan at Frankie Pangilinan, agad na nagpost si Sharon ng mga papuri pa ra sa kanyang anak na si Frankie kung gaano ito kabuti at kabait.


Lumalabas umano ito na ipinagtatanggol ni Sharon si Frankie sa naging isyu nila ni KC lalo pa't hindi naging malinaw noon ang dahilan ng pag-unfollow ni KC sa dalawa.


Ipinunto pa ni Cristy Fermin na baka lalong lumubog ang showbiz career ni Sharon Cuneta kung patuloy niyang papatulan ang kanyang mga fans na ipinapahayag lamang ang kanilang obserbasyon sa ginagawa ni Sharon.




Gail Franchesca Magalona Dinalaw Ang Ama Bago Lumabas Sa Pinoy Pawnstars

Walang komento


 Muling pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pangalan ng yumaong si Philippine King of Rap Francis Magalona, dahil sa paglantad ng kanyang kerida kasama ang sinasabing anak ng mga ito.


Matatandaan na pumanaw si Francis Magalona noong 2009 dahil sa kanser.


Isiniwalat ng isang dating flight attendant na si Abegail ang naging relasyon nila ni Francis Magalona at ang pagkakaroon nila ng isang anak na tinago niya sa publiko sa loob ng 15 years.


Samantala, sa isang Facebook post, ibinahagi ni Abegail ang larawan nila ng kanyang anak kasama ang mga host ng Pinoy Pawnstar.


Ipinasilip din niya sa publiko ang naging pagbisita nila sa puntod ni Francis Magalona sa Layola Memorial Park sa Marikina bago ang pagsisiwalat nila sa kanilang existence sa Pinoy Pawnstar.


Si Francis Magalona ay isa sa mga pinakasikat na hiphop artist ng Pilipinas. Binansagan pa siya bilang King of Rap ng Pilipinas.


Naging host din siya sa longest running TV show na Eat Bulaga.


Noong 2009, binawian ng buhay si Francis Magalona matapos makipaglaban sa sakit na cancer.





Darren Espanto, AC Bonifacio May Relasyon?

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y relasyon nina Darren Espanto at AC Bonifacio, matapos kumalat ang ilang mga larawan kung saan makikita silang magkayakap.


Matatandaan na nagkasama at nagkatambal na noon sa iisang proyekto sina AC Bonifacio at Darren Espanto. Bumida sila noon sa isang musical-romantic drama series na Lyric and Me.


Nabanggit din nila noon sa ilang mga panayam na handa naman umano sila sakaling magtuloy-tuloy ang kanilang loveteam.


Pahayag pa noon ni Darren sa naging panayam noon, "It's how you balance, from performing and acting, also ang iba naming ginagawa outside of the path."


"Syempre may mga other commitments din kami to attend to. But you have to know your priorities and you have to make an efforts naman talaga on everything you want to do," dagdag pa ni Darren.


Samantala, nagsalita naman ngayon si AC Bonifacio hinggil sa matagal nang isyu na kumakalat patungkol sa kanila ni Darren.


Sa isang panayam nilinaw ni AC na matalik na magkaibigan lamang sila ni Darren Espanto. Ipinahayag pa niya na Besties of friends silang dalawa.


"Oh my gosh, it's just so funny. Tumatawa na lang ako, kami actually."


"Kasi kami ni Darren, we made it clear in our careers and our friendship kung ano talaga kami. But he is really my besties friend of the whole wide world. And we just laugh."


Nilinaw pa ni AC Bonifacio na ibinibigay nila sa isa't-isa ni Darren ang suporta. 


Sa ngayon abala si AC sa kanyang kauna-unahang horror film.  Kabilang si AC sa upcoming episode ng horror trilogy na Shake, Rattle and Roll Extreme.




Maxene Magalona May Bwelta Sa Babae at Anak Sa Labas Ng Kanyang Tatay Na Si Francis Magalona

Walang komento


 Isang malaking rebelasyon ang isiniwalat ng dating flight attendant na si Abegail hinggil sa totoong relasyon nila ng Philippines King of Rap na si Francis Magalona.


Ayon kay Abegail, nagkaroon sila ng romantic relationship ni Francis Magalona at nabiyayaan pa ng isang anak na babae.


Ipinakilala naman niya ang anak na si Gail Francheska na aniya'y nagmana sa ama sa pagiging talented. Kaya umano ng anak nila na kumanta, sumayaw, mag-paint at magrap kagaya ng ama nito.


Matatandaan na kumalat na din noon sa social media at sa showbiz industry ang pakikipagrelasyon ni Francis Magalona sa ibang babae, bago ito pumanaw.


Nakarating ang mag-inang Abegail at Gail Francheska sa vlog ni Boss Toyo na Pinoy Pawnstars, upang ibenta ang mga jersey at ilang mga signed items ni Francis Magalona.


Nagulat naman si Boss Toyo kung bakit mayroong mga ganito ang mag-ina, kaya naman inusisa niya ito kung saan ito galing.


Dito na isiniwalat ni Abegail ang naging relasyon nila noon ni Francis at ang existence ng kanilang anak.


“For 15 years nanahimik ako, I didn’t say anything about me and my daughter. Siguro naman ito na lang ‘yung karapatan na pwede kong magawa para sa kanya anak ko.”


“Kasi hindi naman ako nagsalita. I know people will judge me, but we exist. What we have is real… Mahal niya kami, and that’s a fact.”


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Francis Magalona hinggil sa isyu.


Subalit naging palaisipan naman ang isang cryptic post ni Maxene Magalona sa kanyang Instagram stories.


"Shout out to everyone who's learning how to transmute sacred rage into acts of kindness"


Sa ibinahagi niyang pahayag tila sinasabi niyang pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili sa kabila ng galit na kanyang nararamdaman.


Bagama't walang pinatutungkulan si Maxene, marami ang naghinala na ito na ang kanyang sagot sa mga isiniwalat ni Abegail patungkol sa kanyang ama na si Francis Magalona.




Illegitimate Daughter ni Francis M Na si Gail Francheska Nagmana Sa Ama

Walang komento


 Kaagad na nag-viral sa ilang mga social media platforms at ilang mga news entertainment sites ang pinakabagong episode ng Pinoy Pawnstars matapos ipakilala ng dating flight attendant na si Abegail Rait ang sarili bilang ex-partner ng Philippines ‘King of Rap’ na si Francis Magalona.


Kasama rin niya ang diumano'y anak nila ni Francis, na si Gail Francheska, upang ibahagi sa publiko ang kanilang kuwento.


Sa panayam, naging curious ang hostna si Jayson Luzadas, mas kilala sa tawag na ‘Boss Toyo,’ kung nagmana nga ba sa kanyang ama si Francheska. 


Agad naman itongkinumpirma ito ni Abegail kung saan sinasabi nitong nagmana ang mga talento ni Francheska kay Francis M.


Marunong umanong kumanta, sumayaw at mag-paint nito bukod sa lahat magaling din umano itong mag-rap.


Nakapagperform na rin umano si Francheska sa ilang maliliit na events.


“She can sing and dance, actually she can draw, she can paint, lahat nakuha niya sa tatay niya.”


Pinag-sample pa ni Boss Toyo ang sinasabing anak ni Francis M. kung saan kinanta nito ang hit rap song ni Francis na Bagsakan.


Na-amaze naman si Boss Toyo sa galing nito. Naipahayag pa niya na talagang nananalaytay sa dalaga ang dugo ni Francis Magalona.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamilya ni Francis Magalona hinggil sa isiniwalat ni Abegail.



Babaeng Nakarelasyon at Naanakan Ni Francis M Na Si Abigail Rait Lumantad Na!

Walang komento


 Gumawa ng napakalaking rebelasyon ang isang dating flight attendant tungkol sa Philippines ‘King of Rap’ at Eat Bulaga Dabarkads na si Francis Magalona, ​​na pumanaw noong 2009.


Nagpunta si Abegail Rait kay Jayson Luzadas, na mas kilala bilang ‘Boss Toyo,’ para magbenta ng jersey at ilang mga signed messages na pinirmahan ni Francis M para sa kanya.


Noong una, inakala ng mga netizen na isa lamang masugid na tagahanga ni Francis si Abegail, ngunit ikinagulat ng marami nang ibinunyag nitong may relasyon sila na nagbunga pa ng isang anak na si Gail Francheska.


Ayon kay Abegail Rait, nagkaroon sila ng relasyon ni Francis maraming taon na ang nakalilipas, ngunit nagpasya siyang manahimik na lamang noon dahil sa pamilya ng rapper.


Gayunpaman, naniniwala siya na karapatan din nilang ipaalam sa mga tao ang kanilang existence na mag-ina.


“For 15 years nanahimik ako, I didn’t say anything about me and my daughter. Siguro naman ito na lang ‘yung karapatan na pwede kong magawa para sa kanya.


“Kasi hindi naman ako nagsalita. I know people will judge me, but we exist. What we have is real… Mahal niya kami, and that’s a fact,” pahayag ni Abegail.


Matatandaang bago pumanaw noon si Francis Magalona, naging usap-usapan na sa industriya ng showbiz ang pagkakaroon nito ng relasyon sa ibang babae.



Baron Geisler Tatanggalin Na Sa Seryeng Senior High!

Walang komento


 Kumakalat ngayon sa ilang mga news sites at ilang mga social media platforms ang isang blind item na tatanggalin na umano sa serye ang isang sikat na aktor dahil sa pagbabalik umano nito sa dati nitong bisyo.


May mga nagsasabi naman na tila naiimpluwensyahan umano ng aktor na ito ang mga batang cast ng kanilang teleserye.


Marami naman ang kaagad na nakahula na ang tinutukoy sa mga blind items na ito ay walang iba kundi si Baron Geisler dahil sa naging bisyo nito sa labis na pag-inom ng alak.


Samantala, sa latest vlog ni Ogie Diaz isiniwalat niya na may plano talaga ang director ng Senior High na tanggalin si Baron Geisler sa serye.


Nag-iiba kasi umano ang ugali nito kapag nakakainom ito ng alak.


Sa kabilang banda, nagbahagi naman ng isang video si Baron Geisler sa kanyang social media account kung saan makikita ang pagpunta niya sa taping ng teleserye na kanyang kinabibilangan.


Tila ito na ang sagot ni Baron Geisler sa mga naglabasang isyu ng pagkakatanggal sa kanya sa serye.


"Medyo bumpy yung ride. I just wanna say that I'm off to work and I'm really excited. Grabe yung mga eksena, kaabang-abang. Especially yung mga weeks to come."



Aktres Pinapatanggal Sa Seryeng Linlang!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahaging opinyon ni Ogie Diaz patungkol sa teleseryeng Linlang na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM De Guzman.


Aminado naman si Ogie Diaz na isa siya sa mga manonood ng naturang serye kaya naman hindi niya napigilan na magbigay ng opinyon sa mga napapansin niya rito.


"Sa Linlang, hindi ba pwedeng syonggalin na yung subplot nagkakagustuhan sina Anji at Kice medyo pilit eh," pahayag ni Ogie Diaz sa isa sa kanyang mga IG stories.


Pagpapatuloy pa ni Ogie Diaz, "Ang taas na nga ng kaba mo sa mga twist, tapos bigla silang lalabas na parang wala namang chemistry o baka pwedeng sa ibang serye na lang sila magpa-cute siguro."


Umani naman ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens ang naging opinyon ni Ogie Diaz. Kumalat pa ang screenshots nito sa Facebook at Twitter.


May mga sumang-ayon naman sa naging pahayag ni Ogie Diaz. May mga nagsasabi naman na hindi umano bagay kay Angie ang ibinigay ritong role. Dagdag pa ng ilan na tumaas ang standards sa nasabing teleserye dahil pawang malalaking artista na ang naroon at nakasama ni Anji.


Gayunpaman may mga nagsasabi na parang ang harsh naman nito para sa mga aktor na nagsisimula pa lamang sa industriya.


"Aware ka naman siguro na once na magpost ka susugurin yung dalawa. Just a little reminder, jan din nagsisimula ang mga artist na hina-handle mo."


Sinagot naman ito ni Anji, kung saan ipinunto niyang hindi na niya pinagtutuunan ng pansin ang mga nambabash sa kanyang pag-arte.


"All i could say is I don't know these people and they're not worth my precious time. So, please I know you're concern I appreciate you all for standing up for me but then again, are they gold? No right? Let's focus on our goals my loves. Who are they to begin with anyway?"




ABS-CBN Boss May Good News Sa It's Your Lucky Day

Walang komento


 Naging matagumpay ang mga naunang araw ng bagong variety show ng ABS-CBN na It's Your Lucky Day.


Inulan ng mga positibong komento mula sa mga netizens ang nasabing show dahil sa kanilang ipinakitang energy at masasayang vibes.


Dahil rito, marami ang nananawagan na sana ay hindi na ito tanggalin ng ABS-CBN. Gawin na lamang umano itong permanente upang regular na itong mapapanood sa telebisyon.


May mga nagmungkahi naman na gawin na lamang itong ka-back to back show ng It's Showtime para maging tuloy-tuloy na ang pagbibigay ng papremyo at saya sa mga madlang pipol.


Kung hindi naman, maari umano itong ilagay sa late afternoon timeslot bago mag TV Patrol.


Maging ang main host ng It's Your Lucky Day na si Luis Manzano ay tila nagpahiwatig rin sa pamunuan ng Kapamilya network na gawing regular ang kanilang show dahil nakakatanggap naman sila ng magagandang feedback mula sa mga manonood at mga netizens.


Mas nagiging masaya pa ang mga episodes ng It's Your Lucky Day dahil sa pagpasok ni Kyle Echarri at ang pagbisita ng ilang mga Kapuso stars sa kanilang show.




Carla Abella, Tinago sa Ama Ang Dahilan Ng Hiwalayan nila ni Tom Rodriguez

Walang komento

Lunes, Oktubre 16, 2023


 Naniniwala ang beteranong aktor na si Rey PJ Abellana na itinago ng anak na si Carla Abellana ang mga detalye tungkol sa paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez.


Sa isang panayam kay Morly Alinio, isiniwalat ni PJ Abellana ang tungkol sa hindi pagkakaunawaan nila ni Carla.


Sinabi pa nito na hindi na sila nag-usap ng anak simula noong araw na magsalita siya tungkol sa posibleng dahilan kung bakit nagpasya ang kanyang anak na wakasan ang kasal nila ni Tom.


Ayon pa kay PJ, tanging si Tom lamang ang lumapit sa kanya para ipaalam sa kanyan ang isyu sa pagitan nito at ni Carla.


“Una sa lahat, kaya sumama ang loob ng side nina Carla marahil kasi wala kaming komunikasyon. 


"Maaring nauna yung pagsasalita ko bago yung komunikasyon sa aming magkabilang panig. Kasi magkahiwalay kami ng bahay, ‘Di halos kami nagkikita na dahil busy schedule niya at ganoon din ako.”


Isiniwalat din ni PJ na naging malihim din si Carla sa totoong naging dahilan ng pag-aaway nila ni Tom Rodriguez.


“Honestly kasi hindi nagtapat sa akin, ang aking anak na si Carla tungkol sa isyu na yun. Marahil si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako at nakiusap sa akin na tulungan ko ang sitwasyon nilang dalawa ni Carla, na magkaayos silang dalawa.”


Iginiit din ni PJ na ang kanyang panayam kay Cristy Fermin, kung saan pinag-usapan niya ang isyu nina Carla at Tom, ay na misunderstood lamang ng kanyang anak.


Matatandaan na marami ang nagulat ng lumabas ang isyung naghiwalay na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez noong February 2022 ilang buwan matapos ang pagpapakasal nila noong October 2021.


Tila nagbigay naman ng hint si Carla na financial ang pinag-ugatan ng hindi pagkakasundo nila ni Tom Rodriguez.





Bianca Umali Unang Guest Kapuso Lucky Star, It's Your Lucky Day

Walang komento


 Si Bianca Umali ang unang Kapuso star na naging guest host sa It's Your Lucky Day, ang show na pansamantalang pumalit sa suspindedong It's Showtime.


Pinatunayan ng It's Your Lucky Day na hindi lamang sa pilot episode sila trending. Ngayng lunes ay trending at mas pinapanood pa rin ang pangalawa nilang episode.


Nasa number 1 trending topic ang It's Your Lucky Day sa Twitter ngayong araw, gamit ang official hashtag na #TodayisYourLuckyDay. Pumangalawa naman ang hashtag FranSeth Lucky Day. 


Samantala, nasa 82K naman ang nanonood ng It's Your Lucky Day sa official YouTube channel ng ABS-CBN, habang nasa 2.4K naman ang nanonood sa kanilang official Facebook account.


Sa kabilang banda, naki-Lucky kulitan naman ngayong lunes ang unang Kapuso guest si Bianca Umali bilang Lucky stars.


Matatandaan na naging guest na rin noon si Bianca Umali sa noontime show na It's Showtime kaya naman feeling lucky umano ito sa muling pagbabalik niya sa Kapamilya show.




Luis Manzano, Nagpasintabi sa TVJ Sa Unang Episode ng It's Your Lucky Day

Walang komento


 Ipinahayag ng actor-host na si Luis Manzano na nagpasintabi muna siya kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon bago ang pagsisimula ng It's Your Lucky Day na pansamantalang papalit sa It's Showtime.


Sa naganap na pilot episode ng It's Your Lucky Day, pumasok si Luis kasama ang mga Lucky stars na sina Shaina Magdayao. Melai Cantiveros, Francine Diaz, Seth Fedelin, Jennica Garcia, Long Mejia bukod sa iba pa.


Binati ni Luis sa kanyang opening spiel ang It's Showtime, Eat Bulaga at ang TVJ.


"Gusto naming batiin ang 'It's Showtime' family. Sa mga madlang pipol, konting pikit lang makakasama n'yo na ang It's Showtime family."


Dagdag pa ni Luis, "Bubusina rin po tayo sa 'Eat Bulaga' at syempre sa TVJ po - panandalian ay makakasama po namin kayo sa noontime."


Nakakatawang hirit pa ni Luis, na nakagawa umano sila ng history dahil hindi pa man nagtatapos ang unang episode nila ina-announce na ang huling dalawang linggo.


"Dahil first time sa lahat ng shows ng ABS-CBN- kahit sa buong industriya- hindi pa tayo natatapos sa unang episode, maa-announce na natin 'Ang huling dalawang linggo'."


Ang It's Your Lucky Day ay eere mula October 14 hanggang October 27, 2023.




It's Showtime, May Pasabog Sa Pagbabalik

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang gagawing pasabog ng It's Showtime sa kanilang pagbabalik sa darating na October 28, 2023.


Ilang araw nang hindi umiere ang It's Showtime dahil sa suspension na ipinarusa sa kanila ng MTRCB.


Bagama't may ipinalit naman ritong programa, may mga madlang pipol pa rin ang nakakamiss sa It's Showtime at sa mga hosts nito.


Sa kabilang banda, nagsimula na nitong sabado ang show na pansamantalang ipinalit sa It's Showtime, ang It's Your Lucky Day.


Hindi naman binigo ng ABS-CBN ang mga Madlang Pipol dahil pumatok sa kanilang panlasa ang show na pansamantalang papalit sa It's Showtime.


Samantala, tila may pasabog at may pinaghahandaan ang It's Showtime sa kanilang pagbabalik sa katapusan ng buwan.


Ayon sa mga kumakalat na balita may panibagong studio ang It's Showtime na masisilayan ng mga madlang pipol sa kanilang pagbabalik.


Ang ginagamit na studio ngayon ng It's Your Lucky Day ay ang studio ng It's Showtime kaya naman marami na ang binago rito. Kagaya na lamang ng kulay at ng buong set nito.


Kaya naman, marami ang nagsasabing baka hindi na muli gamitin pa ng It's Showtime ang nasabing studio dahil ibang-iba na ang ambience nito ngayon.


Matatandaan na sa ibinigay na official statement ng ABS-CBN patungkol sa pagtanggap nila sa parusa ng MTRCB, magbabalik ang show na mas pinalakas at pinaganda.


Nauna na ring ibinahagi ng director sa kanyang Instagram stories ang isang larawan na tila pahiwatig na may bagong studio ang It's Showtime.






Miss Grand Philippines 2023 Candidate, MISSING

Walang komento

  

Labis na nag-aalala ngayon ang mga magulang ng Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon dahil ilang araw na umano itong hindi nagpaparamdam at hindi umuuwi sa kanilang bahay.


Si Catherine Camilon ang kinatawan ng Tuy, Batangas sa national pageant na Ms. Grand Philippines 2023 nitong nakaraang July.


Ayon sa mga ulat, noong October 12, 2023 pa huling nakontak si Catherine.


Nanawagan naman sa Facebook ang kapatid ni Catherine na si Chin-Chin, sa mga kasamahan sa trabaho ng kanyang kapatid upang ipagbigay alam sa kanila ang kinaroroonan ngayon ng dalaga.


"Baka po mababasa to ng kasama ni Catherine Camilon kagabi na ka work niya, hindi lang po namin alam kung sino, di po matandaan ang pangalan, pasabi naman po baka alam niyo po kung nasaan siya, kagabi pa po siya tumawag 8pm, kaninang umaga pa po naka off ang phone nya, hanggang ngayon at hindi din po nag oonline, palagi po sya nag aupdate sa amin, ngayon lang po talaga hindi."


Naging sunod-sunod din ang pagpopost ni Chin-Chin kung saan hinahanap niya ang kanyang kapatid at patuloy na pinapauwi ito.


"Sana makabalik ka na sa atin, madami nag aalala sayo kung nasaan ka 🥲❤️ halos dalawang araw ka ng walang update sa amin, wala namang alis na wala kang update, sana okay ka lang kung nasan ka man. Mahal na mahal ka namin"


Ibinahagi naman ni Chin-Chin ang larawan ng kotse at plate number nito upang ipaalam sa kanila sakaling may nakakita sa sasakyan ng kanyang kapatid.


Maging ang kanilang ina na si Rose Camilon ay nananawagan na rin na sana ay umuwi na ang kanyang anak nitong October 14, dalawang araw matapos ang hindi nito pag-uwi at pagkontak sa kanila.


May mga panawagan na rin mula sa ibang mga online news sites patungkol sa nangyari kay Catherine.


Hanggang ngayon ay patuloy pa ring naghihintay ang pamilya ni Catherine ng update patungkol rito.


Bukod sa pagiging beauty queen isa ring model at public teacher sa Batangas si Catherine.



Dahilan Ng Paghahanap Ng Uupahang Bahay Ni Claudine Barretto

Walang komento


 Umani ng samut-saring komento mula sa mga netizens ang isang social media post ni Claudine Barretto kung saan ipinahayag niyang naghahanap siya ng bahay na marerentahan.


Sa Instagram account ni Claudine Barretto nitong October 12, 2023, ibinahagi ni Claudine Barretto na kasalukuyan siyang naghahanap ng marerentahang bahay na may 4 to 5 bedrooms along Katipunan.


"Looking for a house for rent, with 4 to 5 bedrooms. Along katipunan."


May ilang mga netizens naman na binigyan ng kulay ang post na ito ni Claudine Barretto. May mga nagkomento pa ng kanegahan kung saan tinatanong nila kung ngahihirap na nga ba ang aktres.


Gayunpaman, agad naman ipinagtanggol si Claudine ng kanyang mga fans kung saan ipinahayag nila na simple lang naman ang post ni Claudine na naghahanap lamang ng mauupahang bahay.


"naghanap lang ng uupahan ung tao dami na nega comment... eh anu naman ngayon kung kelangan nya guys ng umupa.. paparenovate nga eh... tapos ano naman ngayon kung binenta nya isang bahay nya?!!! may problema po ba"


Dagdag pa ng isang fan ni Claudine, "Naghahanap lang ng ma rerentahan kung saan saan na napunta usapan hahahah.juicec!olored"


Nilinaw naman ni Claudine na kaya siya naghahanap ng mauupahang bahay dahil ipaparenovate niya ang kanilang bahay at pansamantala lamang umano ito.


"i clear ko lang po. kailangan namin lumipat dahil ipaparenovte po yung bahay ko. pagagandahin at magdadagdag ng mga kwarto kaya d kami pwede dito sa bahay. may parts na ipagigiba. Thank you so much sa inyong lahat. Lalo na sa mga nag-worry. i luv you all & maraming salamat po"



Mickey Ablan, Patuloy Na Sinisisi Ang Sarili Sa Nangyari kay Yzabel

Walang komento


 Hindi maitago ni Mickey Ablan ang kanyang panghihinayang at pagsisisi sa nangyari sa kanyang anak na si Yzabel Ablan, na kamakailan lamang ay pumanaw dahil sa sakit sa lung conditions.


Sa kanyang post kamakailan, ipinahayag ni Mickey Ablan na hindi ipinaalam sa kanya ni Yzabel tungkol sa totoong kalagayan at nararamdaman nito.


Ayon pa kay Mickey na maaaring buhay pa ang kanyang anak kung alam niya lang totoong kondisyon nito.


Ibinahagi pa ni Mickey na tanging kaibigan lamang nito ang pinagsabihan ni Yza sa lumalang breathing conditions nito kaya naman buong pag-aakala nila na hindi malala ang kondisyon nito.


“Maybe the outcome would have been different. Why tell your friends’ lang? You should have told me. Dapat I should have brought you na agad sa Hospital that Friday night. I should have been more diligent. All I gave you was your inhaler and water,” pagpapahayag ni Mickey.


Ipinahayag din ni Mickey Ablan ang kanyang pagkadismaya sa doktor na nagsuri kay Yzabel, na nagbigay umano rito ng ‘garbage meds.’


Sa huli ipinahayag ni Mickey Ablan kung gaano siya nagsisisi sa nangyari sa kanyag anak at sa maagang pagkawala nito.


"I’m so sorry My Baby Girl Yzabel please forgive Daddy, I love you.”




It's Your Lucky Day Natalo Ang E.A.T Sa Unang Araw!

Walang komento


Sa kabila ng pansamantalang pagkakasuspinde ng It's Showtime, mas pinapanood pa rin ng mga netizens online ang humalili ditong It's Your Lucky Day.


Nakakuha ng mas malaking views count ang It's Your Lucky Day na umabot pa sa 75K views habang nasa 54K lamang ang nakuhang E.A.T sa unang bahagi ng mga programa.


Patunay lamang umano ito na mas tinatangkilik pa rin ng mga madlang pipol ang It's Your Lucky Day kaysa sa E.A.T na kinabibilangan ng ama ni Lala Sotto.


Kahit ilang beses man umanong suspendihin ng MTRCB ang It's Showtime, hindi pa rin lilipat sa ibang shows ang mga loyal madlang pipol.


Ayon naman sa ilang madlang pipol, baka mas lalo lamang umanong mapikon itong si Lala Sotto dahil hindi umubra ang kanyang pakana na mas tangkilikin ang E.A.T.


Agad namang dumipensa ang mga fans nf TVJ at E.A.T kung saan ipinunto nila na walang pakana si Lala Sotto dahil noon pa man ay nangunguna na sa ratings ang E.AT habang kulilat naman ang It's Showtime.


May mga nagsasabi pang marami lamang umanong na-curious sa bagong show na It's Your Lucky Day kaya tumaas ang views nito sa unang araw.


Matatandaan na noong nakaraang myerkules opisyal na inihayag ng ABS-CBN na ang programang It's Your Lucky Day ang pansamantalang papalit sa It's Showtime habang suspendido pa ito ng labin dalawang araw.


Mapapanood ang It's Your Lucky Day mula October 14 hanggang October 27, 2023. Mapapanood ito sa A2Z, Kapamilya Channel, GTV, IwantTFC at sa kanilang Facebook at YouTube account.




Isko Moreno Ipinahiya Si MTRCB Lala Sotto

Walang komento


 Inulan ng mga papuri mula sa mga netizens ang dating Manila mayor na si Isko Moreno dahil sa isang video na kumakalat ngayon sa ilang mga social media plaforms.


Sa isang panayam kay Isko Moreno, pinayuhan niya ang chairperson ng MTRCB Lala Sotto na lagyan ng puso ang serbisyo publiko ng ahensya bilang nasa ilalim naman ito ng gobyerno.


Isa sa dahilan ni Isko Moreno ay ang kadahilanang nanggaling naman sa showbiz ang pamilya ng kasalukuyang namumuno nito.


Alinsunod pa rin ito sa samu't-saring reaksyon ng mga netizens sa tuluyang pagkakasuspinde ng Kapamilya show na It's Showtime.


"I think you should know better. Isn't it the chair or head of such agency, ay galing mismo sa showbiz industry. Because you know better than anybody na maraming umaasa sa likod ng kamera," pahayag ni Isko Moreno.


Ayon pa kay Eat Bulaga host Isko Moreno, dapat naiintindihan ni Lala Sotto ang maaring epekto ng ginawa nitong pasya laban sa nasabing palabas hindi lamang sa mga artistang host at manonood kundi maging ang mga tao sa likod ng kamera.


"Hndi lamang puro utak, kailangan nilalagyan mo rin ng puso. And that's what you call public service. You served na public, you protect the greatest number and at the same time, you shall symphatize, care, understand and compassion."


Positibo naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging pahayag ni Isko Moreno. May mga nagmungkahi pa na sana si Isko na lamang ang maging chairman ng MTRCB.




Talo Sa Ratings, Maging Sino Ka Man Magtatapos Na?

Walang komento



Kapuso teleserye na Maging Sino Ka Man na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at David Licauco, hindi nakakuha ng mataas na ratings kaysa sa Ang Batang Quiapo ni Coco Martin. Kaya naman iniisyung malapit nang magtapos?


 Ipinahayag ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin na wala na umanong makakatalo kay Coco Martin sa telebisyon. 


Bagama't hindi naman hayagang binanggit ni Cristy Fermin kung ano ang kanyang tinutukoy marami ang naghinala na ang teleserye nina Barbie at David ang kanyang pinapatungkulan.


"Panahon po ngayon ngayon ni Coco Martin, ano man po ang itapat, sa kanya talaga. Publiko na po ang humuhusga."


Ayon pa kay Cristy Fermin, may mga nakapagsabi umano sa kanya na kahit ano man ang ipantapat sa telserye ni Coco Martin ay hindi pa rin ito uubra.


"Maging sino ka man, kapag tinapatan mo ang Coco, siguradong talo ka."


Sinigundahan naman ito ni Romel Chika na sinasabing kahit trending ang Maging Sino Ka Man, number one pa rin ang Batang Quiapo.


Mabuting tanggapin na lamang umano na si Coco Martin talaga ang inaabangan ng karamihan manonood. Lalo pa't katambal nito si Ivana Alawi.


Matatandaan na sa bagont trailer ng Ang Batang Quiapo, ipinasilip ang mga maiinit na tagpo sa pagitan nina  Coco Martin at Ivana Alawi.


Sa kabilang banda, ibinahagi naman ng GMA7 ang ilang behind the scenes ng paghahanda ni Barbie Forteza sa isang eksena sa Maging Sino Ka Man na inookray naman ng ilang mga netizens.


Sa ngayon ay nasa huling tatlong linggo na ang Maging Sino Ka Man. Ayon pa sa ilang mga netizens maaga umano itong tinapos dahil hindi naman umano pumatok dahil mas tinatangkilik umano ang teleserye ni Coco Martin.




Sharon Cuneta at Gabby Concepcion Pinakilig Ang Media at Netizens Sa Mediacon, "Concepcion Nong Araw Ito"!

Walang komento

Biyernes, Setyembre 15, 2023


 Muling nagkita ang ex-couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa media conference para sa kanilang upcoming concert na magkasama.


Ang kanilang concert ay gaganapin sa MOA Arena sa darating na October 27.


Sa nasabing mediacon, unang humarap si Gabby Concepcion mula ala una hanggang alas dos ng hapon. Magpapaalam na sana sa media si Gabby nang inanunsyo ang pagdating naman ng dating asawa na si Sharon Cuneta.


Kaya naman tila mulig pinakilig ni Gabby ang mga press people nang magbiro siya at humingi ng yakap at kiss mula kay Sharon.


Pabiro pa niyang hirit sa kanyang pagpapakilala kay Sharon bilang dating Concepcion.


Tila wala naman ito kay Sharon at nakipag photo opt pa kay Gabby.


Sa kabila ng kanilang failed relastionship marami pa rin ang natutuwa dahil in good terms na sila ngayon at tila ba'y hindi na nakakaramdam ng awkwardness sa isa't-isa.




Shaina Magdayao Nagsalita Na Tungkol Sa Viral Kasalan Secret Wedding Nila Ni Piolo Pascual

Walang komento


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites na umano'y nagpakal na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.


Pinagmulan ng usaping ito ang ilang mga larawan na pinaghihinalaang kuha mula sa kanilang secret wedding.


Ayon sa isang social media source, nagkaroon ng secret wedding sina Piolo at Shaina at ginanap umano ito sa Sto. Domingo Church sa Quezon City. 


Dagdag pa sa nasabing balita, dumalo din umano ang ilan sa mga closest friends nila tulad nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Kung matatadaan, taong 2017, inamin ni Piolo na sila ay exclusively dating ni Shaina, at dahil dito marami ang umasa na fans na sila ay magkakatuluyan. May ilang source din kasi ang nakapagsabi na botong-boto umano ang ina ni Piolo kay Shaina.


Sa kabilang banda sa isang panayam, nilinaw ni Shaina na wala umano silang relasyon ni piolo. at sa kasalukuyan ay wala  siyang dinidate na guy. 


33 years old na ngayon si shaina, at ayon mismo sa kanya, matagal na siyang handa na lumagay sa tahimik ang kaso wala pa umanong dumadating na tamang lalaki para sa kanya. 


Nilinaw rin ni Shaina na ang mga balitang lumalabas ngayon ay hindi rin umano totoo, ang nasa larawan na kumakalat ngayon sa social meida ay hindi si Piolo at lalong hind umano siya yung babae ikinasal.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo