Dahilan Ng Paghahanap Ng Uupahang Bahay Ni Claudine Barretto

Lunes, Oktubre 16, 2023

/ by Lovely


 Umani ng samut-saring komento mula sa mga netizens ang isang social media post ni Claudine Barretto kung saan ipinahayag niyang naghahanap siya ng bahay na marerentahan.


Sa Instagram account ni Claudine Barretto nitong October 12, 2023, ibinahagi ni Claudine Barretto na kasalukuyan siyang naghahanap ng marerentahang bahay na may 4 to 5 bedrooms along Katipunan.


"Looking for a house for rent, with 4 to 5 bedrooms. Along katipunan."


May ilang mga netizens naman na binigyan ng kulay ang post na ito ni Claudine Barretto. May mga nagkomento pa ng kanegahan kung saan tinatanong nila kung ngahihirap na nga ba ang aktres.


Gayunpaman, agad naman ipinagtanggol si Claudine ng kanyang mga fans kung saan ipinahayag nila na simple lang naman ang post ni Claudine na naghahanap lamang ng mauupahang bahay.


"naghanap lang ng uupahan ung tao dami na nega comment... eh anu naman ngayon kung kelangan nya guys ng umupa.. paparenovate nga eh... tapos ano naman ngayon kung binenta nya isang bahay nya?!!! may problema po ba"


Dagdag pa ng isang fan ni Claudine, "Naghahanap lang ng ma rerentahan kung saan saan na napunta usapan hahahah.juicec!olored"


Nilinaw naman ni Claudine na kaya siya naghahanap ng mauupahang bahay dahil ipaparenovate niya ang kanilang bahay at pansamantala lamang umano ito.


"i clear ko lang po. kailangan namin lumipat dahil ipaparenovte po yung bahay ko. pagagandahin at magdadagdag ng mga kwarto kaya d kami pwede dito sa bahay. may parts na ipagigiba. Thank you so much sa inyong lahat. Lalo na sa mga nag-worry. i luv you all & maraming salamat po"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo