ABS-CBN Boss May Good News Sa It's Your Lucky Day

Martes, Oktubre 17, 2023

/ by Lovely


 Naging matagumpay ang mga naunang araw ng bagong variety show ng ABS-CBN na It's Your Lucky Day.


Inulan ng mga positibong komento mula sa mga netizens ang nasabing show dahil sa kanilang ipinakitang energy at masasayang vibes.


Dahil rito, marami ang nananawagan na sana ay hindi na ito tanggalin ng ABS-CBN. Gawin na lamang umano itong permanente upang regular na itong mapapanood sa telebisyon.


May mga nagmungkahi naman na gawin na lamang itong ka-back to back show ng It's Showtime para maging tuloy-tuloy na ang pagbibigay ng papremyo at saya sa mga madlang pipol.


Kung hindi naman, maari umano itong ilagay sa late afternoon timeslot bago mag TV Patrol.


Maging ang main host ng It's Your Lucky Day na si Luis Manzano ay tila nagpahiwatig rin sa pamunuan ng Kapamilya network na gawing regular ang kanilang show dahil nakakatanggap naman sila ng magagandang feedback mula sa mga manonood at mga netizens.


Mas nagiging masaya pa ang mga episodes ng It's Your Lucky Day dahil sa pagpasok ni Kyle Echarri at ang pagbisita ng ilang mga Kapuso stars sa kanilang show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo