Illegitimate Daughter ni Francis M Na si Gail Francheska Nagmana Sa Ama

Martes, Oktubre 17, 2023

/ by Lovely


 Kaagad na nag-viral sa ilang mga social media platforms at ilang mga news entertainment sites ang pinakabagong episode ng Pinoy Pawnstars matapos ipakilala ng dating flight attendant na si Abegail Rait ang sarili bilang ex-partner ng Philippines ‘King of Rap’ na si Francis Magalona.


Kasama rin niya ang diumano'y anak nila ni Francis, na si Gail Francheska, upang ibahagi sa publiko ang kanilang kuwento.


Sa panayam, naging curious ang hostna si Jayson Luzadas, mas kilala sa tawag na ‘Boss Toyo,’ kung nagmana nga ba sa kanyang ama si Francheska. 


Agad naman itongkinumpirma ito ni Abegail kung saan sinasabi nitong nagmana ang mga talento ni Francheska kay Francis M.


Marunong umanong kumanta, sumayaw at mag-paint nito bukod sa lahat magaling din umano itong mag-rap.


Nakapagperform na rin umano si Francheska sa ilang maliliit na events.


“She can sing and dance, actually she can draw, she can paint, lahat nakuha niya sa tatay niya.”


Pinag-sample pa ni Boss Toyo ang sinasabing anak ni Francis M. kung saan kinanta nito ang hit rap song ni Francis na Bagsakan.


Na-amaze naman si Boss Toyo sa galing nito. Naipahayag pa niya na talagang nananalaytay sa dalaga ang dugo ni Francis Magalona.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamilya ni Francis Magalona hinggil sa isiniwalat ni Abegail.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo