Bianca Umali Unang Guest Kapuso Lucky Star, It's Your Lucky Day

Lunes, Oktubre 16, 2023

/ by Lovely


 Si Bianca Umali ang unang Kapuso star na naging guest host sa It's Your Lucky Day, ang show na pansamantalang pumalit sa suspindedong It's Showtime.


Pinatunayan ng It's Your Lucky Day na hindi lamang sa pilot episode sila trending. Ngayng lunes ay trending at mas pinapanood pa rin ang pangalawa nilang episode.


Nasa number 1 trending topic ang It's Your Lucky Day sa Twitter ngayong araw, gamit ang official hashtag na #TodayisYourLuckyDay. Pumangalawa naman ang hashtag FranSeth Lucky Day. 


Samantala, nasa 82K naman ang nanonood ng It's Your Lucky Day sa official YouTube channel ng ABS-CBN, habang nasa 2.4K naman ang nanonood sa kanilang official Facebook account.


Sa kabilang banda, naki-Lucky kulitan naman ngayong lunes ang unang Kapuso guest si Bianca Umali bilang Lucky stars.


Matatandaan na naging guest na rin noon si Bianca Umali sa noontime show na It's Showtime kaya naman feeling lucky umano ito sa muling pagbabalik niya sa Kapamilya show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo