It's Your Lucky Day Natalo Ang E.A.T Sa Unang Araw!

Lunes, Oktubre 16, 2023

/ by Lovely


Sa kabila ng pansamantalang pagkakasuspinde ng It's Showtime, mas pinapanood pa rin ng mga netizens online ang humalili ditong It's Your Lucky Day.


Nakakuha ng mas malaking views count ang It's Your Lucky Day na umabot pa sa 75K views habang nasa 54K lamang ang nakuhang E.A.T sa unang bahagi ng mga programa.


Patunay lamang umano ito na mas tinatangkilik pa rin ng mga madlang pipol ang It's Your Lucky Day kaysa sa E.A.T na kinabibilangan ng ama ni Lala Sotto.


Kahit ilang beses man umanong suspendihin ng MTRCB ang It's Showtime, hindi pa rin lilipat sa ibang shows ang mga loyal madlang pipol.


Ayon naman sa ilang madlang pipol, baka mas lalo lamang umanong mapikon itong si Lala Sotto dahil hindi umubra ang kanyang pakana na mas tangkilikin ang E.A.T.


Agad namang dumipensa ang mga fans nf TVJ at E.A.T kung saan ipinunto nila na walang pakana si Lala Sotto dahil noon pa man ay nangunguna na sa ratings ang E.AT habang kulilat naman ang It's Showtime.


May mga nagsasabi pang marami lamang umanong na-curious sa bagong show na It's Your Lucky Day kaya tumaas ang views nito sa unang araw.


Matatandaan na noong nakaraang myerkules opisyal na inihayag ng ABS-CBN na ang programang It's Your Lucky Day ang pansamantalang papalit sa It's Showtime habang suspendido pa ito ng labin dalawang araw.


Mapapanood ang It's Your Lucky Day mula October 14 hanggang October 27, 2023. Mapapanood ito sa A2Z, Kapamilya Channel, GTV, IwantTFC at sa kanilang Facebook at YouTube account.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo