It's Showtime, May Pasabog Sa Pagbabalik

Lunes, Oktubre 16, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang gagawing pasabog ng It's Showtime sa kanilang pagbabalik sa darating na October 28, 2023.


Ilang araw nang hindi umiere ang It's Showtime dahil sa suspension na ipinarusa sa kanila ng MTRCB.


Bagama't may ipinalit naman ritong programa, may mga madlang pipol pa rin ang nakakamiss sa It's Showtime at sa mga hosts nito.


Sa kabilang banda, nagsimula na nitong sabado ang show na pansamantalang ipinalit sa It's Showtime, ang It's Your Lucky Day.


Hindi naman binigo ng ABS-CBN ang mga Madlang Pipol dahil pumatok sa kanilang panlasa ang show na pansamantalang papalit sa It's Showtime.


Samantala, tila may pasabog at may pinaghahandaan ang It's Showtime sa kanilang pagbabalik sa katapusan ng buwan.


Ayon sa mga kumakalat na balita may panibagong studio ang It's Showtime na masisilayan ng mga madlang pipol sa kanilang pagbabalik.


Ang ginagamit na studio ngayon ng It's Your Lucky Day ay ang studio ng It's Showtime kaya naman marami na ang binago rito. Kagaya na lamang ng kulay at ng buong set nito.


Kaya naman, marami ang nagsasabing baka hindi na muli gamitin pa ng It's Showtime ang nasabing studio dahil ibang-iba na ang ambience nito ngayon.


Matatandaan na sa ibinigay na official statement ng ABS-CBN patungkol sa pagtanggap nila sa parusa ng MTRCB, magbabalik ang show na mas pinalakas at pinaganda.


Nauna na ring ibinahagi ng director sa kanyang Instagram stories ang isang larawan na tila pahiwatig na may bagong studio ang It's Showtime.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo