Carla Abella, Tinago sa Ama Ang Dahilan Ng Hiwalayan nila ni Tom Rodriguez

Lunes, Oktubre 16, 2023

/ by Lovely


 Naniniwala ang beteranong aktor na si Rey PJ Abellana na itinago ng anak na si Carla Abellana ang mga detalye tungkol sa paghihiwalay nila ni Tom Rodriguez.


Sa isang panayam kay Morly Alinio, isiniwalat ni PJ Abellana ang tungkol sa hindi pagkakaunawaan nila ni Carla.


Sinabi pa nito na hindi na sila nag-usap ng anak simula noong araw na magsalita siya tungkol sa posibleng dahilan kung bakit nagpasya ang kanyang anak na wakasan ang kasal nila ni Tom.


Ayon pa kay PJ, tanging si Tom lamang ang lumapit sa kanya para ipaalam sa kanyan ang isyu sa pagitan nito at ni Carla.


“Una sa lahat, kaya sumama ang loob ng side nina Carla marahil kasi wala kaming komunikasyon. 


"Maaring nauna yung pagsasalita ko bago yung komunikasyon sa aming magkabilang panig. Kasi magkahiwalay kami ng bahay, ‘Di halos kami nagkikita na dahil busy schedule niya at ganoon din ako.”


Isiniwalat din ni PJ na naging malihim din si Carla sa totoong naging dahilan ng pag-aaway nila ni Tom Rodriguez.


“Honestly kasi hindi nagtapat sa akin, ang aking anak na si Carla tungkol sa isyu na yun. Marahil si Tom e kusang nagsadya dito at personal na kinausap ako at nakiusap sa akin na tulungan ko ang sitwasyon nilang dalawa ni Carla, na magkaayos silang dalawa.”


Iginiit din ni PJ na ang kanyang panayam kay Cristy Fermin, kung saan pinag-usapan niya ang isyu nina Carla at Tom, ay na misunderstood lamang ng kanyang anak.


Matatandaan na marami ang nagulat ng lumabas ang isyung naghiwalay na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez noong February 2022 ilang buwan matapos ang pagpapakasal nila noong October 2021.


Tila nagbigay naman ng hint si Carla na financial ang pinag-ugatan ng hindi pagkakasundo nila ni Tom Rodriguez.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo