Miss Grand Philippines 2023 Candidate, MISSING

Lunes, Oktubre 16, 2023

/ by Lovely

  

Labis na nag-aalala ngayon ang mga magulang ng Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon dahil ilang araw na umano itong hindi nagpaparamdam at hindi umuuwi sa kanilang bahay.


Si Catherine Camilon ang kinatawan ng Tuy, Batangas sa national pageant na Ms. Grand Philippines 2023 nitong nakaraang July.


Ayon sa mga ulat, noong October 12, 2023 pa huling nakontak si Catherine.


Nanawagan naman sa Facebook ang kapatid ni Catherine na si Chin-Chin, sa mga kasamahan sa trabaho ng kanyang kapatid upang ipagbigay alam sa kanila ang kinaroroonan ngayon ng dalaga.


"Baka po mababasa to ng kasama ni Catherine Camilon kagabi na ka work niya, hindi lang po namin alam kung sino, di po matandaan ang pangalan, pasabi naman po baka alam niyo po kung nasaan siya, kagabi pa po siya tumawag 8pm, kaninang umaga pa po naka off ang phone nya, hanggang ngayon at hindi din po nag oonline, palagi po sya nag aupdate sa amin, ngayon lang po talaga hindi."


Naging sunod-sunod din ang pagpopost ni Chin-Chin kung saan hinahanap niya ang kanyang kapatid at patuloy na pinapauwi ito.


"Sana makabalik ka na sa atin, madami nag aalala sayo kung nasaan ka 🥲❤️ halos dalawang araw ka ng walang update sa amin, wala namang alis na wala kang update, sana okay ka lang kung nasan ka man. Mahal na mahal ka namin"


Ibinahagi naman ni Chin-Chin ang larawan ng kotse at plate number nito upang ipaalam sa kanila sakaling may nakakita sa sasakyan ng kanyang kapatid.


Maging ang kanilang ina na si Rose Camilon ay nananawagan na rin na sana ay umuwi na ang kanyang anak nitong October 14, dalawang araw matapos ang hindi nito pag-uwi at pagkontak sa kanila.


May mga panawagan na rin mula sa ibang mga online news sites patungkol sa nangyari kay Catherine.


Hanggang ngayon ay patuloy pa ring naghihintay ang pamilya ni Catherine ng update patungkol rito.


Bukod sa pagiging beauty queen isa ring model at public teacher sa Batangas si Catherine.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo