Luis Manzano, Nagpasintabi sa TVJ Sa Unang Episode ng It's Your Lucky Day

Lunes, Oktubre 16, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ng actor-host na si Luis Manzano na nagpasintabi muna siya kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon bago ang pagsisimula ng It's Your Lucky Day na pansamantalang papalit sa It's Showtime.


Sa naganap na pilot episode ng It's Your Lucky Day, pumasok si Luis kasama ang mga Lucky stars na sina Shaina Magdayao. Melai Cantiveros, Francine Diaz, Seth Fedelin, Jennica Garcia, Long Mejia bukod sa iba pa.


Binati ni Luis sa kanyang opening spiel ang It's Showtime, Eat Bulaga at ang TVJ.


"Gusto naming batiin ang 'It's Showtime' family. Sa mga madlang pipol, konting pikit lang makakasama n'yo na ang It's Showtime family."


Dagdag pa ni Luis, "Bubusina rin po tayo sa 'Eat Bulaga' at syempre sa TVJ po - panandalian ay makakasama po namin kayo sa noontime."


Nakakatawang hirit pa ni Luis, na nakagawa umano sila ng history dahil hindi pa man nagtatapos ang unang episode nila ina-announce na ang huling dalawang linggo.


"Dahil first time sa lahat ng shows ng ABS-CBN- kahit sa buong industriya- hindi pa tayo natatapos sa unang episode, maa-announce na natin 'Ang huling dalawang linggo'."


Ang It's Your Lucky Day ay eere mula October 14 hanggang October 27, 2023.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo