Maxene Magalona May Bwelta Sa Babae at Anak Sa Labas Ng Kanyang Tatay Na Si Francis Magalona

Martes, Oktubre 17, 2023

/ by Lovely


 Isang malaking rebelasyon ang isiniwalat ng dating flight attendant na si Abegail hinggil sa totoong relasyon nila ng Philippines King of Rap na si Francis Magalona.


Ayon kay Abegail, nagkaroon sila ng romantic relationship ni Francis Magalona at nabiyayaan pa ng isang anak na babae.


Ipinakilala naman niya ang anak na si Gail Francheska na aniya'y nagmana sa ama sa pagiging talented. Kaya umano ng anak nila na kumanta, sumayaw, mag-paint at magrap kagaya ng ama nito.


Matatandaan na kumalat na din noon sa social media at sa showbiz industry ang pakikipagrelasyon ni Francis Magalona sa ibang babae, bago ito pumanaw.


Nakarating ang mag-inang Abegail at Gail Francheska sa vlog ni Boss Toyo na Pinoy Pawnstars, upang ibenta ang mga jersey at ilang mga signed items ni Francis Magalona.


Nagulat naman si Boss Toyo kung bakit mayroong mga ganito ang mag-ina, kaya naman inusisa niya ito kung saan ito galing.


Dito na isiniwalat ni Abegail ang naging relasyon nila noon ni Francis at ang existence ng kanilang anak.


“For 15 years nanahimik ako, I didn’t say anything about me and my daughter. Siguro naman ito na lang ‘yung karapatan na pwede kong magawa para sa kanya anak ko.”


“Kasi hindi naman ako nagsalita. I know people will judge me, but we exist. What we have is real… Mahal niya kami, and that’s a fact.”


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Francis Magalona hinggil sa isyu.


Subalit naging palaisipan naman ang isang cryptic post ni Maxene Magalona sa kanyang Instagram stories.


"Shout out to everyone who's learning how to transmute sacred rage into acts of kindness"


Sa ibinahagi niyang pahayag tila sinasabi niyang pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili sa kabila ng galit na kanyang nararamdaman.


Bagama't walang pinatutungkulan si Maxene, marami ang naghinala na ito na ang kanyang sagot sa mga isiniwalat ni Abegail patungkol sa kanyang ama na si Francis Magalona.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo