Darren Espanto, AC Bonifacio May Relasyon?

Martes, Oktubre 17, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y relasyon nina Darren Espanto at AC Bonifacio, matapos kumalat ang ilang mga larawan kung saan makikita silang magkayakap.


Matatandaan na nagkasama at nagkatambal na noon sa iisang proyekto sina AC Bonifacio at Darren Espanto. Bumida sila noon sa isang musical-romantic drama series na Lyric and Me.


Nabanggit din nila noon sa ilang mga panayam na handa naman umano sila sakaling magtuloy-tuloy ang kanilang loveteam.


Pahayag pa noon ni Darren sa naging panayam noon, "It's how you balance, from performing and acting, also ang iba naming ginagawa outside of the path."


"Syempre may mga other commitments din kami to attend to. But you have to know your priorities and you have to make an efforts naman talaga on everything you want to do," dagdag pa ni Darren.


Samantala, nagsalita naman ngayon si AC Bonifacio hinggil sa matagal nang isyu na kumakalat patungkol sa kanila ni Darren.


Sa isang panayam nilinaw ni AC na matalik na magkaibigan lamang sila ni Darren Espanto. Ipinahayag pa niya na Besties of friends silang dalawa.


"Oh my gosh, it's just so funny. Tumatawa na lang ako, kami actually."


"Kasi kami ni Darren, we made it clear in our careers and our friendship kung ano talaga kami. But he is really my besties friend of the whole wide world. And we just laugh."


Nilinaw pa ni AC Bonifacio na ibinibigay nila sa isa't-isa ni Darren ang suporta. 


Sa ngayon abala si AC sa kanyang kauna-unahang horror film.  Kabilang si AC sa upcoming episode ng horror trilogy na Shake, Rattle and Roll Extreme.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo