Aktres Pinapatanggal Sa Seryeng Linlang!

Martes, Oktubre 17, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahaging opinyon ni Ogie Diaz patungkol sa teleseryeng Linlang na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM De Guzman.


Aminado naman si Ogie Diaz na isa siya sa mga manonood ng naturang serye kaya naman hindi niya napigilan na magbigay ng opinyon sa mga napapansin niya rito.


"Sa Linlang, hindi ba pwedeng syonggalin na yung subplot nagkakagustuhan sina Anji at Kice medyo pilit eh," pahayag ni Ogie Diaz sa isa sa kanyang mga IG stories.


Pagpapatuloy pa ni Ogie Diaz, "Ang taas na nga ng kaba mo sa mga twist, tapos bigla silang lalabas na parang wala namang chemistry o baka pwedeng sa ibang serye na lang sila magpa-cute siguro."


Umani naman ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens ang naging opinyon ni Ogie Diaz. Kumalat pa ang screenshots nito sa Facebook at Twitter.


May mga sumang-ayon naman sa naging pahayag ni Ogie Diaz. May mga nagsasabi naman na hindi umano bagay kay Angie ang ibinigay ritong role. Dagdag pa ng ilan na tumaas ang standards sa nasabing teleserye dahil pawang malalaking artista na ang naroon at nakasama ni Anji.


Gayunpaman may mga nagsasabi na parang ang harsh naman nito para sa mga aktor na nagsisimula pa lamang sa industriya.


"Aware ka naman siguro na once na magpost ka susugurin yung dalawa. Just a little reminder, jan din nagsisimula ang mga artist na hina-handle mo."


Sinagot naman ito ni Anji, kung saan ipinunto niyang hindi na niya pinagtutuunan ng pansin ang mga nambabash sa kanyang pag-arte.


"All i could say is I don't know these people and they're not worth my precious time. So, please I know you're concern I appreciate you all for standing up for me but then again, are they gold? No right? Let's focus on our goals my loves. Who are they to begin with anyway?"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo