Talo Sa Ratings, Maging Sino Ka Man Magtatapos Na?

Lunes, Oktubre 16, 2023

/ by Lovely



Kapuso teleserye na Maging Sino Ka Man na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at David Licauco, hindi nakakuha ng mataas na ratings kaysa sa Ang Batang Quiapo ni Coco Martin. Kaya naman iniisyung malapit nang magtapos?


 Ipinahayag ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin na wala na umanong makakatalo kay Coco Martin sa telebisyon. 


Bagama't hindi naman hayagang binanggit ni Cristy Fermin kung ano ang kanyang tinutukoy marami ang naghinala na ang teleserye nina Barbie at David ang kanyang pinapatungkulan.


"Panahon po ngayon ngayon ni Coco Martin, ano man po ang itapat, sa kanya talaga. Publiko na po ang humuhusga."


Ayon pa kay Cristy Fermin, may mga nakapagsabi umano sa kanya na kahit ano man ang ipantapat sa telserye ni Coco Martin ay hindi pa rin ito uubra.


"Maging sino ka man, kapag tinapatan mo ang Coco, siguradong talo ka."


Sinigundahan naman ito ni Romel Chika na sinasabing kahit trending ang Maging Sino Ka Man, number one pa rin ang Batang Quiapo.


Mabuting tanggapin na lamang umano na si Coco Martin talaga ang inaabangan ng karamihan manonood. Lalo pa't katambal nito si Ivana Alawi.


Matatandaan na sa bagont trailer ng Ang Batang Quiapo, ipinasilip ang mga maiinit na tagpo sa pagitan nina  Coco Martin at Ivana Alawi.


Sa kabilang banda, ibinahagi naman ng GMA7 ang ilang behind the scenes ng paghahanda ni Barbie Forteza sa isang eksena sa Maging Sino Ka Man na inookray naman ng ilang mga netizens.


Sa ngayon ay nasa huling tatlong linggo na ang Maging Sino Ka Man. Ayon pa sa ilang mga netizens maaga umano itong tinapos dahil hindi naman umano pumatok dahil mas tinatangkilik umano ang teleserye ni Coco Martin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo