Gail Franchesca Magalona Dinalaw Ang Ama Bago Lumabas Sa Pinoy Pawnstars

Martes, Oktubre 17, 2023

/ by Lovely


 Muling pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pangalan ng yumaong si Philippine King of Rap Francis Magalona, dahil sa paglantad ng kanyang kerida kasama ang sinasabing anak ng mga ito.


Matatandaan na pumanaw si Francis Magalona noong 2009 dahil sa kanser.


Isiniwalat ng isang dating flight attendant na si Abegail ang naging relasyon nila ni Francis Magalona at ang pagkakaroon nila ng isang anak na tinago niya sa publiko sa loob ng 15 years.


Samantala, sa isang Facebook post, ibinahagi ni Abegail ang larawan nila ng kanyang anak kasama ang mga host ng Pinoy Pawnstar.


Ipinasilip din niya sa publiko ang naging pagbisita nila sa puntod ni Francis Magalona sa Layola Memorial Park sa Marikina bago ang pagsisiwalat nila sa kanilang existence sa Pinoy Pawnstar.


Si Francis Magalona ay isa sa mga pinakasikat na hiphop artist ng Pilipinas. Binansagan pa siya bilang King of Rap ng Pilipinas.


Naging host din siya sa longest running TV show na Eat Bulaga.


Noong 2009, binawian ng buhay si Francis Magalona matapos makipaglaban sa sakit na cancer.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo