Baron Geisler Tatanggalin Na Sa Seryeng Senior High!

Martes, Oktubre 17, 2023

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa ilang mga news sites at ilang mga social media platforms ang isang blind item na tatanggalin na umano sa serye ang isang sikat na aktor dahil sa pagbabalik umano nito sa dati nitong bisyo.


May mga nagsasabi naman na tila naiimpluwensyahan umano ng aktor na ito ang mga batang cast ng kanilang teleserye.


Marami naman ang kaagad na nakahula na ang tinutukoy sa mga blind items na ito ay walang iba kundi si Baron Geisler dahil sa naging bisyo nito sa labis na pag-inom ng alak.


Samantala, sa latest vlog ni Ogie Diaz isiniwalat niya na may plano talaga ang director ng Senior High na tanggalin si Baron Geisler sa serye.


Nag-iiba kasi umano ang ugali nito kapag nakakainom ito ng alak.


Sa kabilang banda, nagbahagi naman ng isang video si Baron Geisler sa kanyang social media account kung saan makikita ang pagpunta niya sa taping ng teleserye na kanyang kinabibilangan.


Tila ito na ang sagot ni Baron Geisler sa mga naglabasang isyu ng pagkakatanggal sa kanya sa serye.


"Medyo bumpy yung ride. I just wanna say that I'm off to work and I'm really excited. Grabe yung mga eksena, kaabang-abang. Especially yung mga weeks to come."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo