Babaeng Nakarelasyon at Naanakan Ni Francis M Na Si Abigail Rait Lumantad Na!

Martes, Oktubre 17, 2023

/ by Lovely


 Gumawa ng napakalaking rebelasyon ang isang dating flight attendant tungkol sa Philippines ‘King of Rap’ at Eat Bulaga Dabarkads na si Francis Magalona, ​​na pumanaw noong 2009.


Nagpunta si Abegail Rait kay Jayson Luzadas, na mas kilala bilang ‘Boss Toyo,’ para magbenta ng jersey at ilang mga signed messages na pinirmahan ni Francis M para sa kanya.


Noong una, inakala ng mga netizen na isa lamang masugid na tagahanga ni Francis si Abegail, ngunit ikinagulat ng marami nang ibinunyag nitong may relasyon sila na nagbunga pa ng isang anak na si Gail Francheska.


Ayon kay Abegail Rait, nagkaroon sila ng relasyon ni Francis maraming taon na ang nakalilipas, ngunit nagpasya siyang manahimik na lamang noon dahil sa pamilya ng rapper.


Gayunpaman, naniniwala siya na karapatan din nilang ipaalam sa mga tao ang kanilang existence na mag-ina.


“For 15 years nanahimik ako, I didn’t say anything about me and my daughter. Siguro naman ito na lang ‘yung karapatan na pwede kong magawa para sa kanya.


“Kasi hindi naman ako nagsalita. I know people will judge me, but we exist. What we have is real… Mahal niya kami, and that’s a fact,” pahayag ni Abegail.


Matatandaang bago pumanaw noon si Francis Magalona, naging usap-usapan na sa industriya ng showbiz ang pagkakaroon nito ng relasyon sa ibang babae.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo