Mickey Ablan, Patuloy Na Sinisisi Ang Sarili Sa Nangyari kay Yzabel

Lunes, Oktubre 16, 2023

/ by Lovely


 Hindi maitago ni Mickey Ablan ang kanyang panghihinayang at pagsisisi sa nangyari sa kanyang anak na si Yzabel Ablan, na kamakailan lamang ay pumanaw dahil sa sakit sa lung conditions.


Sa kanyang post kamakailan, ipinahayag ni Mickey Ablan na hindi ipinaalam sa kanya ni Yzabel tungkol sa totoong kalagayan at nararamdaman nito.


Ayon pa kay Mickey na maaaring buhay pa ang kanyang anak kung alam niya lang totoong kondisyon nito.


Ibinahagi pa ni Mickey na tanging kaibigan lamang nito ang pinagsabihan ni Yza sa lumalang breathing conditions nito kaya naman buong pag-aakala nila na hindi malala ang kondisyon nito.


“Maybe the outcome would have been different. Why tell your friends’ lang? You should have told me. Dapat I should have brought you na agad sa Hospital that Friday night. I should have been more diligent. All I gave you was your inhaler and water,” pagpapahayag ni Mickey.


Ipinahayag din ni Mickey Ablan ang kanyang pagkadismaya sa doktor na nagsuri kay Yzabel, na nagbigay umano rito ng ‘garbage meds.’


Sa huli ipinahayag ni Mickey Ablan kung gaano siya nagsisisi sa nangyari sa kanyag anak at sa maagang pagkawala nito.


"I’m so sorry My Baby Girl Yzabel please forgive Daddy, I love you.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo