Jowa Ni Sef Cadayona Umalma Sa Kanyang Father's Day Guesting; 'Hindi Deserved'

Lunes, Hunyo 16, 2025

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang sunod-sunod na Instagram stories mula kay Nelan Vivero, ang non-showbiz partner ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona. Laman ng kaniyang mga pahayag ang matitinding sentimyento at tila pagsisiwalat ng personal na isyu kaugnay sa aktor, matapos itong mapanood bilang guest sa isang segment ng noontime variety show na All-Out Sundays nitong Father's Day.


Nakabilang si Sef sa segment na pinamagatang Team Pa-Yummy Daddy, kung saan kasama rin ang mga Kapuso celebrity dads na sina Rodjun Cruz at Kristoffer Martin. Layunin ng segment na magbigay-pugay sa mga ama sa pamamagitan ng entertainment at pagbabahagi ng kanilang karanasan bilang mga haligi ng tahanan.


Ngunit tila hindi natuwa si Nelan sa naturang pag-guest ni Sef. Sa kanyang Instagram stories, hayagang ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya. Aniya, "Really? Making money off being a dad? Seriously? Still not done pretending to be someone you're not? Happy father's day? Celebrating father's day?" Nakalagay pa rito ang tag kay Sef, kaya’t malinaw na siya ang pinatutungkulan.


Sa isa pang post, binitiwan ni Nelan ang mas malalim na hinaing. Aniya, "Hiram mag-wish ng gift from your family di ba? You were already given a complete family. But instead, you chose to prioritize other people. The very ones who should've helped you make sure your own family didn't go through what you did. But you let history repeat itself."


Hindi rin napigilan ni Nelan ang kanyang damdamin sa isa pang IG story, kung saan humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga kaibigan dahil sa pagiging “magulo” umano ng kanyang paglalabas ng saloobin. 


"Sorry, friends. I know this is messy. I should've just stayed quiet, right? Kaso wala eh. Seeing him accept a Father's Day guesting like he's done something to deserve it. I went through hell because of him and his family both during my pregnancy and postpartum. I was just hoping he'd feel even a little bit of shame."


Ayon pa sa kanya, dumaan siya sa matinding hirap, hindi lang noong pagbubuntis niya kundi pati na rin pagkatapos manganak, at malaking bahagi raw nito ay sanhi ng naging trato sa kanya ni Sef at ng pamilya nito. Umaasa lamang daw siya na kahit papaano ay makaramdam ng hiya ang aktor sa kanyang naging asal.


Nagpatuloy ang kanyang mga pahayag sa isa pang story kung saan sinabi niya,  "Also, just a little reminder: Boys who rub it in their child's or the mother's face that they're the ones providing—aren't real fathers."


"Responsibility isn't something you assign to yourself. It's something you step up to, no questions asked Right @sefcadayona?"


Samantala, sa kabila ng mainit na atensyon ng netizens sa isyu, wala pang opisyal na pahayag mula kay Sef Cadayona o sa kanyang kampo. Nananatiling tahimik ang panig ng aktor, habang patuloy namang inaalam ng publiko kung ano nga ba ang buong kwento sa likod ng mga pasabog na rebelasyon ng kanyang partner.


Bukas ang anumang media platform sa panig ni Sef kung nais niyang magbigay-linaw o ipahayag ang kanyang panig ukol sa isyu. Sa ngayon, nananatiling palaisipan kung ano ang magiging susunod na hakbang ng magkabilang panig.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo