Billy Crawford Inamin Na Hindi Na Niya Ka Close Ang Dating Kasamahan Sa It's Showtime

Walang komento

Miyerkules, Setyembre 6, 2023


 Inamin ng actor-host na si Billy Crawford na hindi na katulad ng dati ang samahan at pagkakaibigang nila ng mga dating kasamahan niya sa “It’s Showtime”.


Sa guesting nina Billy Crawford at  Coleen Garcia sa 'Fast Talk with Boy Abunda' kinumusta ng King of Talk sa mag-asawa ang current relationship nila sa mga dating ka-co-host sa show na It's Showtime.


Ayon kay Billy Crawford, bagama't may komunikasyon pa rin sila, hindi na umano sila gaanong nagkakausap. Hindi na umano sila katulad ng dati noon na palaging nagkokumustahan sa isa't-isa.


Ipinahayag naman ni Billy Crawford ang pinagmulan ng lahat ng ito. Sa tingin umano niya nag-umpisa ang mga pagbabagong ito nang umalis sila sa show upang makapag-pokus sa kanilang binubuong pamilya.


“I play basketball with Vhong [Navarro], I went to his house, I visited him… We hardly actually have time to communicate with every single person we know. It’s hard enough with our own family so the relationship has changed, to be honest with you, Tito Boy.”


Aminado rin si Billy Crawford na hindi na talaga naging tulad pa ng dati mula noon ang turingan nila ng dating ka-Showtime Family.


Ayon naman kay Coleen Garcia, ang naging pangunahing dahilan kung bakit nag-iba na ang kanilang pagkakaibigan ay dahil hindi na katulad nang dati na palagi nilang nakakasama ang mga kasamahan.




Tape Incorporated Hawak Na Ang Youtube Channel Na Eat Bulaga! Madlang Pipol Masaya!

Walang komento

Youtube channel ng Eat Bulaga na dating hawak noon ng TVJ, nasa kamay na ngayon ng TAPE Incorporated.


Labis na ikinagulat ng mga tagasuporta ng Legit Dabarkads ang bagong hitsura ngayon ng Youtube Channel ng Eat Bulaga, kung saan napalitan na ang profile picture nito at mga mukha na ng mga panibagong host ang makikita kalakip rin dito ang pangalan ng production company.



Tila maging ang Youtube Channel na dating hawak ng TVJ ay nakuha na rin ng TAPE Incorporated. Gayunpaman, tila hindi naman ito iniisip na banta ng TVJ, ngayong hawak na ng TAPE Inc. ang nasabing Youtube channel.


Sa ngayon, makikita pa rin sa Eat Bulaga YT Channel ang mga nakaraang episodes ng show noong ang legit dabarkads pa ang mga hosts nito.


Kaya naman, marami ang naghihinalang hindi pa rin makakapag-upload ng mga panibagong video clips ang mga panibagong hosts ng Eat Bulaga.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang mensahe o pahayag ang TVJ hinggil sa pagkuha ng TAPE Inc. sa Youtube channel ng Eat Bulaga.


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa ilang mga netizens at mga madlang pipol. May mga nagsasabing karma umano ito kay Lala Sotto dahil sa pagiging bias nito sa E.A.T.


Matatandaan na lumabas noon ang mga haka-haka na pakana ng TVJ ang pagpapatawag ng It's Showtime at plano umano nilang ipasuspinde ito upang maging advantage sa kanilang show.




MTRCB Chairperson Pinagreresign Ng Madlang Pipol Dahil Sa Pagsuspinde sa It's Showtime

Walang komento


Napupuno ngayon ng pambabatikos mula sa mga netizens at Madlang Pipol ang MTRCB Chairperson na si Lala Sotto dahil sa pagkakasuspinde ng It's Showtime.


Marami sa mga netizens at Madlang Pipol ang nananawagan na magresign na lamang si Lala Sotto dahil hindi umano ito patas at halatang kinikilingan ang E.A.T na pinangungunahan ng kanyang ama na si Tito Sotto.


Nananawagan ngayon ang ilang mga netizens na kailangan nang palitan si Lala Sotto bilang chairperson ng MTRCB dahil pinag-iinitan umano nito ang It's Showtime upang makinabang ang E.A.T.


Ayon sa ilang mga netizens, wala namang mali at hindi malaswa ang ginawang pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez sa cake icing. May mga palabas naman umanong mas malaswa pa sa It's Showtime subalit hindi man lang nabibigyan ng warning.


Samantala, nagbigay na ng pahayag si Lala Sotto kung saan pinabulaanan niyang may naganap na unfair treatment sa mga noontime shows.


Nilinaw din niya na hindi siya kabilang sa mga nagdesisyon na suspendihin ang It's Showtime. Dahil alam umano niyang maraming mga netizens na magrereact at magbabatikos sa kanya.


Sa kabila nito, ipinahayag naman niyang naiintindihan niya ang nararamdaman ng mga tagasuporta ng It's Showtime.


Subalit, hindi naman umano niya kasalanan na gumagawa ng mga violations ang nasabing show.






MTRCB Nagbigay Na Ng Pahayag Hinggil Sa Suspension Isyu ng It's Showtime, Lala Sotto May Kinikilingan?

Walang komento


 Pinabulanan ng MTRCB Chairperson na si Lala Sotto ang mga usap-usapan ng mga netizens na umano'y may naganap na unfair treatment sa pagitan ng mga shows, sa inilabas nilang suspension order sa It's Showtime.


Sa isang panayam, sinabi ni Lala Sotto na hindi pa final ang suspension ng It's Showtime dahil binigyan pa umano nila itong makapagfile ng Motion for Reconsideration.


“With others, puwede naman talagang ma-suspend na kanina pa lang. But no, again, in the spirit of fairness, we’re giving them the chance kaya hindi sila suspended today. We will wait for its finality,” pahayag ni Lala Sotto.


Iginiit din ni Lala Sotto na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya na pinag-iinitan niya ang It's Showtime upang labis na makinabang ang show ng kanyang ama na E.A.T.


"Siguro natural lang naman sa mga supporters ang maging ganoon ang pakiramdam kasi siguro naririnig nila na parating na-re-report. But hindi po kasalanan ng MTRCB ang violations na ginagawa nila.” 


Sa huli, iginiit din ni Lala Sotto na hindi siya kabilang sa mga nagdesisyon kung sususpindehin ba ang It's Showtime o hindi.




Vice Ganda Tinadtad Ng Pang-Aasar Ang MTRCB Sa It's Showtime Matapos Ang Suspension

Walang komento


 Matapos ilabas ng MTRCB ang kanilang suspension order para sa noontime show na It's Showtime, naging sunod-sunod na ang pagpaparinig ni Vice Ganda sa MTRCB at kay Lala Sotto.


Nitong September 4, 2023 naglabas ng isang suspension order ang MTRCB laban sa It's Showtime kung saan nakasaad ang kanilang desisyon na isuspinde ang nasabing show sa loob ng 12 days.


Agad namang naglabas ng pahayag ang ABS-CBN at It's Showtime, maghahain umano sila ng motion for reconsideration dahil naniniwala silang wala naman silang nilabag na patakaran.


Dahil rito, patuloy pa ring umiere ngayon sa telebisyon at mga online video streaming app upang makapagbigay saya at libangan sa mga madlang people.


Samantala, napansin ng ilang mga netizens na tila naging sunod-sunod na ang mga patutsada ni Vice Ganda at pambabanat laban sa MTRCB at sa Chairperson nito na si Lala Sotto.


Kabilang na rito ang pagsasabi ni Vice Ganda na 'inggitera' sa relationship ng iba at hindi marunong sumuporta.


Sa segment naman na Isip-Bata pabirong binasa ni Vice Ganda ang panimulang sulat ng MTRCB sa kanila, kasunod nito sinabi niyang iisa lamang ang panalangin ng It's Showtime family at ng mga Madlang Pipol.


Bukod dito, nagbiro din si Vice Ganda sa boses ni Vhong Navarro na tila nababagay umano itong mag-announce ng suspension.


Sa segment naman na Tawag ng Tanghalan, tila may pasaring ang host kay Lala Sotto. Sinabi ni Vice Ganda na may mga humusga umano sa kanya dahil lamang sa simpleng dessert.




It's Showtime May Patong-Patong Pa Na Reklamo Mula Sa MTRCB

Walang komento

Martes, Setyembre 5, 2023


 Isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin na umpisa pa lamang ng mga suspension ng It's Showtime dahil marami pa umano itong kakaharapin dahil mayroon pang patong-patong na kaso sa MTRCB.


“Marami pa palang ibang kaso na nakasalang sa MTRCB ang programang ito. Nauna lang po itong kay Vice Ganda at Ion Perez pero sa dami po ng nagrereklamo at nagpa-file ng kanilang complaints sa MTRCB tungkol sa programa, marami pang naiwanan doon, nakasalang pa,” pagsisiwalat ni Cristy Fermin.


“Iyan ay hindi po natin alam kung paanong maaaksyunan. Kaya mahalaga na ‘yung mga warning nung una… lalo na ‘yung pagsasalita ni Vhong Navarro nung June 3 ng salitang pag-aari ng babae ‘di ba. Sakop kasi tayo ng MTRCB hindi natin pupuwedeng banggitin ‘yung salita na nagsisimula sa letter T. ‘Yun po ay talagang naroon pa pati ‘yung iba pa pong pagkakasambit ni Vice Ganda at ng iba pang mga co-host na talaga namang nagmarka po sa publiko at inireklamo sila sa MTRCB.


“So itong 12 days suspension na ito ay umpisa pa lamang ito,” dagdag pang pahayag ni Cristy Fermin.


Sa kabilang banda, tila hindi naman apektado ang mga It's Showtime host sa natanggap nilang suspension order mula sa MTRCB dahil naniniwala silang malalampasan nila ito dahil wala naman umano silang mali na ginawa.


Sa ngayon ay hindi pa rin epektibo ang suspension ng MTRCB sa It's Showtime dahil sa paghahain nila ng Motion for Reconsideration.




ABS-CBN AdProm head Eric John Salut, Sinabing Nakakadiri si Lala Sotto

Walang komento


 Hindi naitago ng AdProm Head at Direktor ng ABS-CBN na si Eric John Salut ang kanyang pagkadismaya sa Movie and Television Review and Classification Board chairperson na si Lala Sotto.


Sa kanyang buradong tweet, inakusahan niya si Lala Sotto ng kawalan ng delikadeza dahil sa pagsususpinde nito sa It’s Showtime.


Matatandaan na inilabas na ng MTRCB nitong Septeber 4 ang kanilang suspension order laban sa It's Showtime dahil sa ginawa nina Ion Perez at Vice Ganda na pagkain ng cake icing.


“Wala kang delicadeza Lala Sotto! Kadiri ka!”


Sa ngayon ay hindi na makikita ang tweet na ito ni John Salut. Gayunpaman maraming mga netizens ang nakakuha ng screenshot mula rito.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Lala Sotto hinggil sa pambabanat sa kanya ng mga netizens at maging ng ilang malalaking tao sa industriya.


“Ang laki kc ng inggit nila sa its showtime kaya naghhanap talaga sila ng butas pero go go lang showtime hinding hindi kami bbitaw forever kapamilya.” 


“Sana maging fair ka.kasi masayadong halata yang ginagawa mo sa showtime.”


“That is so unfair judgment!!!!! Holier than thou! This will not stop us from supporting IT’S SHOWTIME all the way. But we will STOP SUPPORTING “SOTOS” in politics all the way.”



Vice Ganda May Banat Sa Mtrcb Tungkol Sa Pagsuspendi Ng It's Showtime!

Walang komento


 Malaki ang paniniwala ni Vice Ganda na hindi tuluyang masususpende ang kanilang show na It's Showtime dahil naghain na sila ng Motion for Reconsideration sa MTRCB. Talagang naniniwala si Vice Ganda na wala silang ginawang mali.


Kaya naman sa latest episode ng It's Showtime tila ginawa na lamang nilang biro ang salitang 'suspension' at tinatawanan na lamang.


Sa kamakailang episode ng show, tila muling bumanat si Vice Ganda ng parinig sa MTRCB.


Sa naging biruan nina Vice Ganda at Vhong Navarro sa Tawag ng Tanghalan, tila sinadya umano ni Vice Ganda na banggitin ang pahayag na 'suspension' na sinundan ng malutong na tawanan para ipakitang hindi sila apektado sa inilabas na order ng MTRCB.


Sa kabilang banda, hindi naman nilinaw ni Vice Ganda at wala pa siyang inilalabas na statement patungkol sa kung ano nga ba talaga ang kanyang ibig ipabatid sa kanyang naging pahayag.




Bea Alonzo Naging Mas Clingy Kay Dominic Roque Ngayong Nalalapit Na Ang Pagpapakasal

Walang komento


 Tila mas nagiging clingy ngayon ag aktres na si Bea Alonzo sa kanyang fiance na si Dominic Roque dahil labis na niya itong namimiss sa tuwing hindi sila nagsasama.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Bea Alonzo ang video kung saan makikitang hinatid niya sa airport si Dominic Roque.


Sa caption, ipinahayag ni Bea Alonzo ang kanyang nararamdaman hinggil sa pag-alis ni Dominic.


"Missing my favorite human a little extra today. He left last week for London for a cross county motorcycle ride with his EM friends. Missing you @dominicroque"


May pahabol pa si Bea na baka idelete din niya ang nasabing post dahil nagpapaka-clingy lamang siya sa kanyang fiance.


Sa kabilang banda, agad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang post ni Bea Alonzo.


May mga na-kyutan sa pagiging clingy ng actress sa kanyang fiance. May mga humiling pa na sana ay huwag na lamang itong burahin ng actress dahil hindi naman umano mali kung magiging mas clingy siya rito dahil malapit na rin naman silang ikasal.


"Pati kami naiiyak 😢 ano ba yun ?"


"Wag mo na lang idelete para sa amin , miss na namin kayo ni Dom sobra"


"Aw grabe i feel sad for you, @beaalonzo .. Dom uwi ka na sobrang miss ka na niya"


"Yung binilang ko naka ilan "i love you" si dom 🥰😍🤩 kilig to the bones, sarap mag inlove talaga"



Mel Tiangco, Minumulto Ni Mike Enriquez! Mel Takot Na Takot!

Walang komento


 Inabangan ng mga netizens ang pagbisita ni Mel Tiangco sa lamay nang namayapang broadcast journalist na si Mike Enriquez.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit na magkaibigan sina Mike Enriquez at Mel Tiangco dahil sa tagal nilang nagsama sa iisang programa.


Samantala, isang nakakakilabot naman na pangyayari ang ibinahagi ni Mel Tiangco na tila nagpaparamdam umano sa kanya si Mike Enriquez.


Inamin kasi ni Mel na hindi kaagad siya nagpunta sa lamay ni Mike Enriquez dahil hindi niya umano kinayang tanggapin at makitang wala na talaga ito. Subalit, tila minumulto umano siya ng kaibigan at palaging siyang pinaparamdam.


Samantala, ipinahayag ni Mel Tiangco na hindi umano niya alam na naging malala na pala ang kanyang kaibigan dahil hindi man lamang umano ito nagsabi sa kanya.


Hindi rin umano magawang tumawag ni Mel Tiangco kay Mike Enriquez dahil nahihiya umano siya at baka sabihing pati personal na buhay ng kaibigan ay sini-tsismis niya.




Noontime Show Ililipat Sa Gabi, Its Showtime O E.A.T?

Walang komento


 Usap-usapan ngayon ang isang chika na umano'y maaring mausog sa panggabing slot ang isang noontime show.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, maaring ilagay sa panggabing slot ang isang noontime show dahil sa mga paglabag sa mga alituntunin ng MTRCB para sa mga noontime shows na kadalasang pinapanood ng karamihang mga Pilipino.


Ilang beses na rin umanong nakakatanggap ng reklamo ang tanggapan ng MTRCB hinggil sa mga hindi magandang pinapakita ng nasabing show.


Tila hindi rin umano ito nakikinig sa mga ipinalabas nang warning ng MTRCB at patuloy pa ring gumagawa ng mga hindi kaaya-aya gayung naka-live ang kanilang show.


Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung anong noontime show ang kanilang tinutukoy. May mga nagsasabing baka ang It's Showtime ito dahil sa natanggap nitong suspension mula sa MTRCB.


Matatandaan na isiniwalat noon ni Lala Sotto, chairperson ng MTRCB na ilang beses na nilang pinadalhan ng warning ang It's Showtime dahil hindi ito nag-iingat sa kanilang mga sinasabi.


Sa kabilang banda may mga nagsasabi naman na baka ang tinutukoy ay ang EAT dahil pinatawag din ito ng MTRCB dahil sa pagmumura ni Wally Bayola. May ilang nagrereklamo na rin nito noon pa man dahil sa mga hindi rin magagandang biro ni Joey De Leon.




E.A.T ng TVJ Damay sa Gulo 12 day Suspension ng Its Showtime

Walang komento


 E.A.T pinag-initan ng mga tagasubaybay ng It's Showtime. Ito ay kasunod ng natanggap na 12 day suspension ng naturang programa mula sa MTRCB na pinagungunahan ni Lala sotto, anak ng isa sa mga trio ng E.A.T na si Tito Sotto.


Kahapon nagviral ang balitang pagpataw ng 12 day suspension sa It's Showtime, ito ang resulta sa ginawang pagsisiyasat ng ahensya sa programa kung saan hindi lang isang beses na nagpapakita ng hindi kaaya-ayang aksyon.


Kabilang na ang hindi magandang ginawa ng celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez, indecent act umano ang kanilang icing moment sa  programa. 


Kaagad naman na nagpahayag ng pagkadismaya ng maraming fans ng celebrity couple pati na ang mismong show, wala umano silang nakikitang masama sa ginawa ng dalawa. 


Nadamay pa tuloy ang programang E.A.T, dahil pinatawag din ng MTRCB ang kanilang programa kasunod ng pagmumura ni Wally Bayola. 


Ayon sa mga netizens, bakit ang It's Showtime lang ang sinuspende kung ganun sila kahigpit, bakit ang E.A.T ay hindi umano nila sinuspinde.


Kung ikukumpara daw ang kasalanang ginawa ng dalawang show, mas higit na malaki nag pagkakamali ni Wally kumpara kina Vice at Ion. Hinala pa ng madlang pipol, binibigyan ni Lala Sotto ng favor ang E.A.T dahil ito ay show ng TVJ kung saan isa ang kanyang ama sa mga host nito. 


Sa ngayon ay umaapela na ang ABS-CBN sa MTRCB na bawiin ang kanilang ipinataw ng suspension dahil  nanniniwala silang walang nilabag ang kanilang programang It's Showtime.




Jhong, Vice, Vhong Nanindigan Na Wala Silang Nilabag Na Batas Ng MTRCB Sa It's Showtime

Walang komento

Sa live episode ngayong September 5 ng It's Showtime nagbigay sila ng pahayag para sa mga madlang pipol na nalulungkot na baka tuluyan  na itong titigil sa pag-ere.


Naging palaisipan din sa mga manonood kung anong aksyon ang gagawin ng mga It's Showtime sa inilabas na suspension ng MTRCB.


Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang It's Showtime sa pamamagitan ni Jhong Hilario.


"Natanggap namin ang ruling ng MTRCB na nag-uutos na isuspendi ang It's Showtime sa loob ng 12 days. Mula sa pinalidad na disisyong ito, kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration. Dahil naniniwala kami na wala kaming nilabag na anumang batas."


"Habang nakabinbin ang motion for reconsideration, ang desisyon ng suspension ng programa ay hindi pa final at epektibo. Kaya sa ngayon ay patuloy niyo pong mapapanood ang It's Showtime.


"Patuloy pa rin kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang It's Showtime sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang Pipol."


Nagpapasalamat din sila sa lahat ng mga madlang pipol na patuloy pa ring sumusuporta sa It's Showtime.




Tunay at Aktwal Na Reaksyon Ni Vice Ganda Ng Malaman 12 Days Suspended Ang It's Showtime!

Walang komento


 Tila sinusubukan ngayon ang katatagan ng loob ng It's Showtime host na si Vice Ganda nang ilabas ng MTRCB ang kanilang desisyon patungkol sa mga nalabag na mga alintuntunin ng It's Showtime.


Nitong September 4, 2023, inilabas ng MTRCB ang kanilang desisyon patungkol sa pagpapatawag nila sa producers ng It's Showtime.


Sa isang official statement, isiniwalat ng MTRCB ang kanilang pagsuspinde sa It's Showtime sa loob ng 12 days. Ito ay ang kaparusahan ng It's Showtime sa mga hindi kaaya-ayang ginawa ng mga hosts.


Nakasaad din sa nasabing statement ang mga nauna pang mga violations ng It's Showtime. Isiniwalat din ng MTRCB na hindi ito ang unang pagkakataon na nasuspendi ang It's Showtime. Noong 2010 nasuspendi na rin umano ang It's Showtime.


Dahil sa pagkakasuspendi ngayon ng It's Showtime, nawalan rin ng trabaho ang mga crews at staff nito na maaring arawan lamang ang sahod.


Kaya naman hindi umano mapigilan ni Vice Ganda na makaramdam ng guilt dahil dito dahil ang ginawa nilang pagkain ni Ion Perez sa icing cake ang pangunahing dahilan ng suspension.


Bukod sa nararamdamang guilt ngayon ni Vice Ganda, ginigisa rin siya ng kanyang mga bashers dahil siya umano ang puno't-dulo ng lahat.


Sa kabila nito, patuloy pa ring nagiging positibo si Vice Ganda at pilit na tinitingnan ang mga bagay in a good way.


Sa isang social media post nag-iwan ng isang makabuluhang mensahe si Vice Ganda sa mga netizens.


"In the middle of every difficulty lies opportunity."


Naniniwala pa rin si Vice Ganda na hindi mawawala ang lahat ng kanilang mga pinaghirapan sa mga pagsubok na kinakasangkutan nila ngayon.




Dream Wedding Nila Bea Alonzo at Dominic Roque Sa 2024 Hindi Na Matupad? Alamin!

Walang komento


 Mukhang hindi matutupad ang pinag-uusapang dream wedding nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa susunod na taon.


Kinumpirma ng actress na si Bea Alonzo sa ilang mga panayam at sa kanyang mismong vlog na wala pa silang napag-uusapang exact date kung kailan talaga sila magpapakasal ni Dominic.


Wala pa rin umano silang napag-uusapang venue at hindi pa rin umano alam ni Bea Alonzo kung ano ang magiging theme ng kanilang kasal.


Ang nais umano sana ni Bea Alonzo ay isang intimate wedding ang magaganap subalit tila malabo umano itong mangyari dahil pareho sila ni Dominic na may maraming kaibigan.


Kung si Bea Alonzo lamang umano ang pagpipiliin nais niyang maganap na ang kanilang kasal dahil ayaw naman umano nila ng mlong engagement dahil hindi na umano ito kailangan at upang maumpisahan na rin nilang magkaroon ng sariling pamilya.




Lala Sotto Palulusutin Kaya Si Wally Bayola Matapos Isuspendi Ang It's Showtime

Walang komento


Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang inilabas na suspension ng MTRCB hinggil sa Kapamilya show na It's Showtime. Maraming mga netizens ang nag-aabang ngayon kung masususpende rin ba ang E.A.T dahil sa pagmumura ni Wally Bayola.


Ayon sa inilabas na official statement ng MTRCB, ilang violations na rin umano ang nagawa ng It's Showtime at ilang beses na rin umano nilang pinadalhan ng warning ang nasabing show.


Samantala, agad ding naglabas ng statement ang ABS-CBN kung saan ipinaalam nila sa mga tagasuporta ng It's Showtime na maghahain sila ng appeal.


Naninindigan din sila na walang ginawang mali ang It's Showtime.


Samantala, nag-iinit naman ngayon ang ilang mga Madlang Pipol sa desisyon ng MTRCB kaya naman, hiling nila na sana ay suspendihin din umano ng MTRCB ang E.A.T dahil marami rin naman umano silang mga nagawang violation lalong-lalo na ang pagmumura ni Wally Bayola.


Marami naman ang nagduda at sinasabing tiyak umanong hindi masususpendi ang E.A.T dahil kabilang sa nasabing show ang ama ni Lala Sotto.




Error 404

Walang komento

Lunes, Setyembre 4, 2023

 Sorry, we do not have what you were looking for. You can go back home.

Rendon Labador, Sobrang Saya Sa Pagkakasuspinde Ng It's Showtime!

Walang komento


 Tila nagbubunyi ngayon ang motivational speaker na si Rendon Labador dahil sa suspension order na inilabas ng MTRCB laban sa Kapamilya noontime show na It's Showtime kasunod ng viral scene nina Vice Ganda at Ion Perez sa 'Isip Bata' segment ng nasabing show.


Pinasalamatan din ni Rendon Labador ang MTRCB sa ginawa nilang aksyon laban sa It's Showtime upang maprotektahan umano ang lahat ng mga kabataang manonood sa kalaswaan.


Hindi rin nagpigil si Rendon Labador at may pasaring pa kay Vice Ganda at Ion Perez.


“12 DAYS STAYCATION IS AWARDED TO #ItsShowtime!!! Nanalo ang #BosesNgBayan itigil ang KAHAYUPAN SA SOCMED!!!”


“Maraming salamat sa MTRCB!!! Super good job po sa inyong ahensiya! Madam Lala Sotto salamat po sa napakagandang aksyon! Mag kakasundo po tayong lahat sa pag protekta ng kabataan laban sa mga kalaswaan. Congratulations VICE & ION on this new milestone! #stayMotivated,” pahayag ni Rendon Labador sa kanyang Facebook post.


Matatandaan na nag-ugat ang pagpapalabas ng Notice to Appear and Testify ng MTRCB sa It's Showtime kasunod ng pagrereklamo ng ilang mga netizens at ni Rendon Labador sa indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa pagkain ng cake icing.


Sa kabilang banda, naglabas naman ng pahayag ang ABS-CBN kung saan naninindigan sila na walang ginawang mali ang kanilang show. Maghahain din umano sila ng appeal para mapawalang bisa ang inilabas na desisyong ng MTRCB.



ABS-CBN Sinagot Na Ang Suspension Na Ipinaratang Ng MTRCB Sa It's Showtime

Walang komento


 Sinagot na ng ABS-CBN ang suspension ng MTRCB sa kanilang noontime na It's Showtime.


Matatandaan na noong July 31, 2023 naglabas ng Notice to Appear and Testify ang MTRCB sa It's Showtime dahil sa mga natatanggap nilang reklamo at sa patuloy na paglabag nito sa kanilang mga pamantayan.


Sa isang panayam, isiniwalat ng MTRCB Chairperson Lala Sotto na ilang beses na nilang pinadalhan ng warning ang It's Showtime dahil sa paggamit nila ng mga inappropriate languages at sa nangyaring wardrobe malfunction sa isa sa kanilang performers.


Matapos ang masusing pag-iimbestiga naglabas ng desisyon ang MTRCB kung saan sinususpende nila ang It's Showtime sa loob ng 12 days.


Sa kabila nito, bukas naman ang ahensya sa paghahain ng It's Showtime ng Motion for Reconsideration, 15 days matapo ibaba ang kanilang order.


Kaya naman, naglabas na rin ng official statement ang ABS-CBN kung saan ipinahayag nilang maghahain sila ng Motion for Reconsideration sa desisyon ng MTRCB dahil naniniwala silang walang nilabag na alituntunin ang kanilang show.


“Kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala kami na walang nangyaring paglabag sa anumang batas,” parte ng official statement ng ABS-CBN.


Sa kabila naman ng mga kinakaharap ngayon ng It's Showtime, sinigurado ng ABS-CBN na patuloy pa rin silang magbibigay ng saya sa mga taong naniniwala sa kanila at patuloy na sumususporta.


“Patuloy rin kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagtuloy ang “It’s Showtime” sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang People. Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa “It’s Showtime”.”




Janice Jurado Ginulantang Ang Netizen Sa Rebelasyon Nito about Kay Former Pres Fidel V Ramos

Walang komento


 Ibinunyag ng beteranang aktres na si Janice Jurado ang isang malaking sekreto tungkol sa relasyon nila ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.


Sa panayam kay Julius Babao, ibinunyag ni Janice ang kanyang relasyon sa isang ‘dating presidente’, na ibinunyag niya bilang Ramos.


Ibinunyag din niya na ang kanyang naging role noon sa relasyon nila ni Fidel Ramos ay bilang isang trophy girlfriend dahil sinasama umano siya nito sa mga salo-salo at iba pang events.


“Meron politiko. Patay na. Presidente eh, dating presidente. Sinusundo ako, parang display.. ‘Tawagan mo si Jurado’ kasama ko ‘yung mga artista at mga general.. ‘O pasuot mo to sa kanya, tapos papuntahin mo sa Manila Peninsula’,” pagsisiwalat ni Janice.


Sa kabila nito, pinagdidiinan ni Janice na walang nangyari sa kanilang dalawa at ni hindi umano sila nagsama sa iisang kwarto. Dahil tinanggihan umano niya ang mga ganitong proposal ng dating pangulo.


Sa ngayon ay wala pang pahayag mula sa pamilya ni Fidel Ramos patungkol sa malaking pagsisiwalat ni Janice Jurado.




Heart Evangelista Sinagot Ang Tanong Kung Bakit Wala Sa Kasal Ni Lovi Poe!

Walang komento


 Naging mainit na usapin sa social media ang isyu patungkol sa hindi pagdalo ng actress at fashion icon na si Heart Evangelista sa kasal ng aktres na si Lovi Poe.


Ikinasal si Lovi Poe sa kanyang long-time boyfriend na si Monty Blencowe noong August 26, 2023 sa bansang England.


Bagama't intimate wedding ang naganap marami pa rin ang napapatanong kung bakit tila missing in action roon ang isa sa malapit na kaibigan ni Lovi Poe na si Heart Evangelista.


 Kaya naman naging palaisipan sa ilang mga netizens kung bakit hindi dumalo si Heart sa nasabing wedding. May mgfa naghinala pang baka ay hindi na umano malapit sa isa't-isa ang dalawa kaya hindi nabigyan  ng invitation si Heart.


Kaya naman, naglabas na ng pahayag si Heart Evangelista kung saan ipinunto niya ang dahilan kung bakit wala siya sa kasal ni Lovi Poe.


Ayon sa kay Heart Evangelista sa comment niya sa isang video kung saan maraming nang-iisyu sa kanila, "My dad is in hospital."


Bagama't maiksi agad naman napatunayan ng mga netizens na wala talagang isyu sa dalawang actress na noon pa man ay malapit na sa isa't-isa.


Matatandaan na nagkasama sa iisang proyekto sina Lovi Poe at Heart Evangelista noong 2011 na may pamagat na Temptation Island. Mula noon ay naging malapit na ang dalawang aktres sa isa't-isa.


Bukod sito, nagkasama rin sila sa ilang mga Kapuso series na talaga namang pumatok sa masa.




Ray Parks Pinuyat Si Zeinab Harake Bago Bumalik Ng Japan

Walang komento


 Ibinahagi kamakailan ng vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang mga followers ang paghatid niya sa kanyang partner na si Bobby Ray Parks Jr. sa airport dahil pabalik na ito sa Japan.


Bumalik na sa bansang Japan si Bobby Ray Parks upang ipagpatuloy ang kanayng naiwang career doon matapos ang ilang buwang pananatili niya sa Pilipinas kasama si Zeinab Harake at mga anak nito.


Umuwi sa Pilipinas si Bobby Ray Parks Jr. para sana irepresenta ang Pilipinas sa nagaganap na FIBA World Cup Tournament.


Samantala, ang mas nakatawag sa pansin sa mga netizens ay ang nilagay na caption ni Zeinab Harake sa kanyang video post.


"Mahal na mahal kita @ray1parks see you soon my king."


Dagdag pang caption ni Zeinab, "Puyat na nga malungkot pa."


Dahil dito agad siyang tinukso ng kanyang mga followers at sinabing buti na lamang umano ay pinuyat siya ni Bobby para hindi niya kaagad ito mamiss.


Sa kabilang banda, tila hindi lang naman si Zeinab Harake ang makakamiss kay Bobby Ray Parks kundi maging ang kanyang mga anak na sina Lukas at Baby Bia na hindi naman lingid sa kaalaman nang lahat na napalapit na rin kay Bobby.




MTRCB, Sinuspinde Na Ang "It's Showtime" Vice Ganda Nag React! Buong Detalye Panuorin!

Walang komento


 Pinatawan ng 12 days suspension ng MTRCB ang It's Showtime ito'y kasunod ng pagpapatawag sa production company nitong dahil sa mga natanggap na reklamo ng ahensya hinggil sa hindi kaaya-ayang gawi ng mga host na ipinapakita sa mga manonood at sa harap ng mga bata nilang guest hosts.


Sa inilabas na official statement ng MTRCB mababasa ang naging dahilan kung bakit napatawan ng 12 Day Suspension ang show.


Matatandaan na nauna nang ibinunyag noon ng MTRCB chairperson Lala Sotto na ilang beses na nilang pinadalhan ng warning ang It's Showtime. 


Para sa episode noong January 24, nang di-umano'y binigkas ng hosts na sina Jhong Hilario at Vice Ganda ang salitang "G spot", at para sa episode nitong June 3, nang sinabi ng host na si Vhong Navarro ang salitang "tinggil".


Bukod dito may iba pang warnings na natanggap ang It's Showtime kabilang na nip slip, pek pek shorts, suggestive macho dancing at iba pang palaro nila na hindi na umano angkop para sa isang noontime variety show.


Samantala, nakasaad din naman sa nasabing statement na binibigyan ng MTRCB ang It's Showtime ng 15 days para makapag-file ng Motion for Reconsideration.


Hindi rin naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na na suspendid ang It's Showtime. Noong 2010 nasuspinde rin ang nasabing show sa loob ng 20 days.


Samantala, marami naman ang nalungkot sa natanggap na parusa ng It's Showtime lalong-lalo na ang kanilang mga tagasubaybay dahil 12 days silang mawawala sa ere.


Sa kabila ng maraming mga nambabatikos, hindi naman maipagkakaila na marami ang nasisiyahan sa pagbibiro ni Vice Ganda.





Ex Nobya Ni Dominic Roque Na Si Michelle Vito Masaya Dahil Ikakasal Na Ang Dating Boyfriend

Walang komento

Sa kauna-unahang pagkakataon nagsalita ang ex-girlfriend ni Dominic Roque na si Michelle Vito patungkol sa nalalapit na pagpapakasal nina Dominic Roque at Bea Alonzo.



Matatandaan na ilang beses nang naiulat noon na nagkarelasyon sina Dominic Roque at Michelle Vito bago nakarelasyon ng actor si Bea Alonzo.


Sa kabilang banda, parehong nanahimik sina Michelle at Dominic hinggil sa nangyaring relasyon sa pagitan nila noon hanggang sa bigla na lamang silang hindi nakikitang magkasama na hinuha ng marami naghiwalay na.


Samantala, sa kamakailang panayam inamin na ni Michelle Vito na totoong nagkarelasyon talaga sila ni Dominic Roque ng ilang taon at noong 2019 sila naghiwalay.


Hindi naman nilinaw ni Michelle kung ano ang dahilan kung bakit natigil ang matagal na nilang relasyon ni Dominic.


Sa kabilang banda, pareho namang masaya na ang lovelife nina Dominic Roque at Michelle Vito dahil pareho na silang may karelasyon.


Nagbigay naman ng mensahe at reaksyon si Michelle patungkol sa nalalapit na pagpapakasal nina Dominic at Bea Alonzo.


Ayon kay Michelle, masaya siyang lalagay na sa tahimik ang dalawa at masayang-masaya siya para kay Dominic Roque.


Deserve din umano ni Dominic na maging masaya dahil napakabuti umano nitong tao.


"I'm happy for him. Of ourse, nung.. Paano ko ba sasabihin ito? Basta way, way back ang gusto naman namin talaga sa isa't-isa is maging masaya kami."


"Kung saan siya masaya, kung saan ako masaya. Ngayong ikakasal na siya, masaya ako, kasi alam ko na masaya siya and deserve niya yun kasi napakabuti niyang tao."




 

Asawa Ni Mike Enriquez Naging Emosyonal Sa Kanyang Huling Mensahe Sa Pagp4naw Ng Kanyang Asawa!

Walang komento


 Hindi napigil ng asawa ni Mike Enriquez ang kanyang emosyon nang magsalita siya sa burol ng namayapang asawa.


Nagbigay ng mensahe ang asawa ni Mike Enriquez sa huling gabi ng burol nito. Pinasalamatan niya ang lahat ng mga nakiramay sa kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang asawa.


Makikita sa mga video clips ang nahihirapang may bahay sa pagpigil sa kanyang emosyun para hindi tuluyan mapahagulhol.


Ipinahayag niya kung paano namuhay si Mike Enriquez at ang kanyang dedikasyon sa pagpapahayag ng serbisyong totoo.




Sulat Kamay Ni Mike Enriquez Bago Pum5naw Binunyag Sa Publiko

Walang komento


 Nabunyag sa publiko ang isang sulat kamay na ginawa umano ng batikang broadcaster na si Mike Enriquez bago pumanaw.


Nabigla umano ang mga kaanak ni Mike Enriquez nang matuklasan nila ang isang liham na sulat kamay ni Mike Enriquez para sa kanilang pamilya.


Hindi naman nila ibinahagi sa publiko ang kabuuang nilalaman ng sinasabing sulat kamay ni Mike Enriquez na inihabilin niya para sa kanyang pamilya.


Matatandaan na marami ang nagulat nang mapabalitang pumanaw na si Mike Enriquez noong August 29, 2023. Ito'y matapos magpalit ng profile picture ni Arnold Clauvio sa kanyang social media account.


Hindi naman kaagad naniwala ang ilan sa mga netizens sa balitang ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na naging biktima na noon ng isang death fake news si Mike Enriquez.


Subalit, gumuho ang kaunting pag-asa ng mga fans ni Mike Enriquez nang kumpirmahin ng kanyang dating kasamahan sa 24 Oras ang kanyang pagpanaw, kasunod ng pagpapalabas ng official statement ng 24 Oras.


Samantala, dismayado naman ang anak ni Noli De Castro na si Kat De Castro sa ilang mga entertainment news sites na naunang nagkumpirma sa pagpanaw ni Mike Enriquez.


Dapat umanong hinintay muna nila na ang kumpirmasyon ng pinagtatrabahuang TV Network ni Mike Enriquez.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo