Ray Parks Pinuyat Si Zeinab Harake Bago Bumalik Ng Japan

Lunes, Setyembre 4, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi kamakailan ng vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang mga followers ang paghatid niya sa kanyang partner na si Bobby Ray Parks Jr. sa airport dahil pabalik na ito sa Japan.


Bumalik na sa bansang Japan si Bobby Ray Parks upang ipagpatuloy ang kanayng naiwang career doon matapos ang ilang buwang pananatili niya sa Pilipinas kasama si Zeinab Harake at mga anak nito.


Umuwi sa Pilipinas si Bobby Ray Parks Jr. para sana irepresenta ang Pilipinas sa nagaganap na FIBA World Cup Tournament.


Samantala, ang mas nakatawag sa pansin sa mga netizens ay ang nilagay na caption ni Zeinab Harake sa kanyang video post.


"Mahal na mahal kita @ray1parks see you soon my king."


Dagdag pang caption ni Zeinab, "Puyat na nga malungkot pa."


Dahil dito agad siyang tinukso ng kanyang mga followers at sinabing buti na lamang umano ay pinuyat siya ni Bobby para hindi niya kaagad ito mamiss.


Sa kabilang banda, tila hindi lang naman si Zeinab Harake ang makakamiss kay Bobby Ray Parks kundi maging ang kanyang mga anak na sina Lukas at Baby Bia na hindi naman lingid sa kaalaman nang lahat na napalapit na rin kay Bobby.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo