ABS-CBN Sinagot Na Ang Suspension Na Ipinaratang Ng MTRCB Sa It's Showtime

Lunes, Setyembre 4, 2023

/ by Lovely


 Sinagot na ng ABS-CBN ang suspension ng MTRCB sa kanilang noontime na It's Showtime.


Matatandaan na noong July 31, 2023 naglabas ng Notice to Appear and Testify ang MTRCB sa It's Showtime dahil sa mga natatanggap nilang reklamo at sa patuloy na paglabag nito sa kanilang mga pamantayan.


Sa isang panayam, isiniwalat ng MTRCB Chairperson Lala Sotto na ilang beses na nilang pinadalhan ng warning ang It's Showtime dahil sa paggamit nila ng mga inappropriate languages at sa nangyaring wardrobe malfunction sa isa sa kanilang performers.


Matapos ang masusing pag-iimbestiga naglabas ng desisyon ang MTRCB kung saan sinususpende nila ang It's Showtime sa loob ng 12 days.


Sa kabila nito, bukas naman ang ahensya sa paghahain ng It's Showtime ng Motion for Reconsideration, 15 days matapo ibaba ang kanilang order.


Kaya naman, naglabas na rin ng official statement ang ABS-CBN kung saan ipinahayag nilang maghahain sila ng Motion for Reconsideration sa desisyon ng MTRCB dahil naniniwala silang walang nilabag na alituntunin ang kanilang show.


“Kami ay maghahain ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala kami na walang nangyaring paglabag sa anumang batas,” parte ng official statement ng ABS-CBN.


Sa kabila naman ng mga kinakaharap ngayon ng It's Showtime, sinigurado ng ABS-CBN na patuloy pa rin silang magbibigay ng saya sa mga taong naniniwala sa kanila at patuloy na sumususporta.


“Patuloy rin kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagtuloy ang “It’s Showtime” sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming Madlang People. Buong puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa “It’s Showtime”.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo