MTRCB Nagbigay Na Ng Pahayag Hinggil Sa Suspension Isyu ng It's Showtime, Lala Sotto May Kinikilingan?

Miyerkules, Setyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Pinabulanan ng MTRCB Chairperson na si Lala Sotto ang mga usap-usapan ng mga netizens na umano'y may naganap na unfair treatment sa pagitan ng mga shows, sa inilabas nilang suspension order sa It's Showtime.


Sa isang panayam, sinabi ni Lala Sotto na hindi pa final ang suspension ng It's Showtime dahil binigyan pa umano nila itong makapagfile ng Motion for Reconsideration.


“With others, puwede naman talagang ma-suspend na kanina pa lang. But no, again, in the spirit of fairness, we’re giving them the chance kaya hindi sila suspended today. We will wait for its finality,” pahayag ni Lala Sotto.


Iginiit din ni Lala Sotto na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya na pinag-iinitan niya ang It's Showtime upang labis na makinabang ang show ng kanyang ama na E.A.T.


"Siguro natural lang naman sa mga supporters ang maging ganoon ang pakiramdam kasi siguro naririnig nila na parating na-re-report. But hindi po kasalanan ng MTRCB ang violations na ginagawa nila.” 


Sa huli, iginiit din ni Lala Sotto na hindi siya kabilang sa mga nagdesisyon kung sususpindehin ba ang It's Showtime o hindi.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo