Tunay at Aktwal Na Reaksyon Ni Vice Ganda Ng Malaman 12 Days Suspended Ang It's Showtime!

Martes, Setyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Tila sinusubukan ngayon ang katatagan ng loob ng It's Showtime host na si Vice Ganda nang ilabas ng MTRCB ang kanilang desisyon patungkol sa mga nalabag na mga alintuntunin ng It's Showtime.


Nitong September 4, 2023, inilabas ng MTRCB ang kanilang desisyon patungkol sa pagpapatawag nila sa producers ng It's Showtime.


Sa isang official statement, isiniwalat ng MTRCB ang kanilang pagsuspinde sa It's Showtime sa loob ng 12 days. Ito ay ang kaparusahan ng It's Showtime sa mga hindi kaaya-ayang ginawa ng mga hosts.


Nakasaad din sa nasabing statement ang mga nauna pang mga violations ng It's Showtime. Isiniwalat din ng MTRCB na hindi ito ang unang pagkakataon na nasuspendi ang It's Showtime. Noong 2010 nasuspendi na rin umano ang It's Showtime.


Dahil sa pagkakasuspendi ngayon ng It's Showtime, nawalan rin ng trabaho ang mga crews at staff nito na maaring arawan lamang ang sahod.


Kaya naman hindi umano mapigilan ni Vice Ganda na makaramdam ng guilt dahil dito dahil ang ginawa nilang pagkain ni Ion Perez sa icing cake ang pangunahing dahilan ng suspension.


Bukod sa nararamdamang guilt ngayon ni Vice Ganda, ginigisa rin siya ng kanyang mga bashers dahil siya umano ang puno't-dulo ng lahat.


Sa kabila nito, patuloy pa ring nagiging positibo si Vice Ganda at pilit na tinitingnan ang mga bagay in a good way.


Sa isang social media post nag-iwan ng isang makabuluhang mensahe si Vice Ganda sa mga netizens.


"In the middle of every difficulty lies opportunity."


Naniniwala pa rin si Vice Ganda na hindi mawawala ang lahat ng kanilang mga pinaghirapan sa mga pagsubok na kinakasangkutan nila ngayon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo