E.A.T ng TVJ Damay sa Gulo 12 day Suspension ng Its Showtime

Martes, Setyembre 5, 2023

/ by Lovely


 E.A.T pinag-initan ng mga tagasubaybay ng It's Showtime. Ito ay kasunod ng natanggap na 12 day suspension ng naturang programa mula sa MTRCB na pinagungunahan ni Lala sotto, anak ng isa sa mga trio ng E.A.T na si Tito Sotto.


Kahapon nagviral ang balitang pagpataw ng 12 day suspension sa It's Showtime, ito ang resulta sa ginawang pagsisiyasat ng ahensya sa programa kung saan hindi lang isang beses na nagpapakita ng hindi kaaya-ayang aksyon.


Kabilang na ang hindi magandang ginawa ng celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez, indecent act umano ang kanilang icing moment sa  programa. 


Kaagad naman na nagpahayag ng pagkadismaya ng maraming fans ng celebrity couple pati na ang mismong show, wala umano silang nakikitang masama sa ginawa ng dalawa. 


Nadamay pa tuloy ang programang E.A.T, dahil pinatawag din ng MTRCB ang kanilang programa kasunod ng pagmumura ni Wally Bayola. 


Ayon sa mga netizens, bakit ang It's Showtime lang ang sinuspende kung ganun sila kahigpit, bakit ang E.A.T ay hindi umano nila sinuspinde.


Kung ikukumpara daw ang kasalanang ginawa ng dalawang show, mas higit na malaki nag pagkakamali ni Wally kumpara kina Vice at Ion. Hinala pa ng madlang pipol, binibigyan ni Lala Sotto ng favor ang E.A.T dahil ito ay show ng TVJ kung saan isa ang kanyang ama sa mga host nito. 


Sa ngayon ay umaapela na ang ABS-CBN sa MTRCB na bawiin ang kanilang ipinataw ng suspension dahil  nanniniwala silang walang nilabag ang kanilang programang It's Showtime.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo