Ex Nobya Ni Dominic Roque Na Si Michelle Vito Masaya Dahil Ikakasal Na Ang Dating Boyfriend

Lunes, Setyembre 4, 2023

/ by Lovely

Sa kauna-unahang pagkakataon nagsalita ang ex-girlfriend ni Dominic Roque na si Michelle Vito patungkol sa nalalapit na pagpapakasal nina Dominic Roque at Bea Alonzo.



Matatandaan na ilang beses nang naiulat noon na nagkarelasyon sina Dominic Roque at Michelle Vito bago nakarelasyon ng actor si Bea Alonzo.


Sa kabilang banda, parehong nanahimik sina Michelle at Dominic hinggil sa nangyaring relasyon sa pagitan nila noon hanggang sa bigla na lamang silang hindi nakikitang magkasama na hinuha ng marami naghiwalay na.


Samantala, sa kamakailang panayam inamin na ni Michelle Vito na totoong nagkarelasyon talaga sila ni Dominic Roque ng ilang taon at noong 2019 sila naghiwalay.


Hindi naman nilinaw ni Michelle kung ano ang dahilan kung bakit natigil ang matagal na nilang relasyon ni Dominic.


Sa kabilang banda, pareho namang masaya na ang lovelife nina Dominic Roque at Michelle Vito dahil pareho na silang may karelasyon.


Nagbigay naman ng mensahe at reaksyon si Michelle patungkol sa nalalapit na pagpapakasal nina Dominic at Bea Alonzo.


Ayon kay Michelle, masaya siyang lalagay na sa tahimik ang dalawa at masayang-masaya siya para kay Dominic Roque.


Deserve din umano ni Dominic na maging masaya dahil napakabuti umano nitong tao.


"I'm happy for him. Of ourse, nung.. Paano ko ba sasabihin ito? Basta way, way back ang gusto naman namin talaga sa isa't-isa is maging masaya kami."


"Kung saan siya masaya, kung saan ako masaya. Ngayong ikakasal na siya, masaya ako, kasi alam ko na masaya siya and deserve niya yun kasi napakabuti niyang tao."




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo