Bea Alonzo Naging Mas Clingy Kay Dominic Roque Ngayong Nalalapit Na Ang Pagpapakasal

Martes, Setyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Tila mas nagiging clingy ngayon ag aktres na si Bea Alonzo sa kanyang fiance na si Dominic Roque dahil labis na niya itong namimiss sa tuwing hindi sila nagsasama.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Bea Alonzo ang video kung saan makikitang hinatid niya sa airport si Dominic Roque.


Sa caption, ipinahayag ni Bea Alonzo ang kanyang nararamdaman hinggil sa pag-alis ni Dominic.


"Missing my favorite human a little extra today. He left last week for London for a cross county motorcycle ride with his EM friends. Missing you @dominicroque"


May pahabol pa si Bea na baka idelete din niya ang nasabing post dahil nagpapaka-clingy lamang siya sa kanyang fiance.


Sa kabilang banda, agad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang post ni Bea Alonzo.


May mga na-kyutan sa pagiging clingy ng actress sa kanyang fiance. May mga humiling pa na sana ay huwag na lamang itong burahin ng actress dahil hindi naman umano mali kung magiging mas clingy siya rito dahil malapit na rin naman silang ikasal.


"Pati kami naiiyak 😢 ano ba yun ?"


"Wag mo na lang idelete para sa amin , miss na namin kayo ni Dom sobra"


"Aw grabe i feel sad for you, @beaalonzo .. Dom uwi ka na sobrang miss ka na niya"


"Yung binilang ko naka ilan "i love you" si dom 🥰😍🤩 kilig to the bones, sarap mag inlove talaga"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo