Lala Sotto Palulusutin Kaya Si Wally Bayola Matapos Isuspendi Ang It's Showtime

Martes, Setyembre 5, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang inilabas na suspension ng MTRCB hinggil sa Kapamilya show na It's Showtime. Maraming mga netizens ang nag-aabang ngayon kung masususpende rin ba ang E.A.T dahil sa pagmumura ni Wally Bayola.


Ayon sa inilabas na official statement ng MTRCB, ilang violations na rin umano ang nagawa ng It's Showtime at ilang beses na rin umano nilang pinadalhan ng warning ang nasabing show.


Samantala, agad ding naglabas ng statement ang ABS-CBN kung saan ipinaalam nila sa mga tagasuporta ng It's Showtime na maghahain sila ng appeal.


Naninindigan din sila na walang ginawang mali ang It's Showtime.


Samantala, nag-iinit naman ngayon ang ilang mga Madlang Pipol sa desisyon ng MTRCB kaya naman, hiling nila na sana ay suspendihin din umano ng MTRCB ang E.A.T dahil marami rin naman umano silang mga nagawang violation lalong-lalo na ang pagmumura ni Wally Bayola.


Marami naman ang nagduda at sinasabing tiyak umanong hindi masususpendi ang E.A.T dahil kabilang sa nasabing show ang ama ni Lala Sotto.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo