Mel Tiangco, Minumulto Ni Mike Enriquez! Mel Takot Na Takot!

Martes, Setyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Inabangan ng mga netizens ang pagbisita ni Mel Tiangco sa lamay nang namayapang broadcast journalist na si Mike Enriquez.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit na magkaibigan sina Mike Enriquez at Mel Tiangco dahil sa tagal nilang nagsama sa iisang programa.


Samantala, isang nakakakilabot naman na pangyayari ang ibinahagi ni Mel Tiangco na tila nagpaparamdam umano sa kanya si Mike Enriquez.


Inamin kasi ni Mel na hindi kaagad siya nagpunta sa lamay ni Mike Enriquez dahil hindi niya umano kinayang tanggapin at makitang wala na talaga ito. Subalit, tila minumulto umano siya ng kaibigan at palaging siyang pinaparamdam.


Samantala, ipinahayag ni Mel Tiangco na hindi umano niya alam na naging malala na pala ang kanyang kaibigan dahil hindi man lamang umano ito nagsabi sa kanya.


Hindi rin umano magawang tumawag ni Mel Tiangco kay Mike Enriquez dahil nahihiya umano siya at baka sabihing pati personal na buhay ng kaibigan ay sini-tsismis niya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo