Vice Ganda Tinadtad Ng Pang-Aasar Ang MTRCB Sa It's Showtime Matapos Ang Suspension

Miyerkules, Setyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Matapos ilabas ng MTRCB ang kanilang suspension order para sa noontime show na It's Showtime, naging sunod-sunod na ang pagpaparinig ni Vice Ganda sa MTRCB at kay Lala Sotto.


Nitong September 4, 2023 naglabas ng isang suspension order ang MTRCB laban sa It's Showtime kung saan nakasaad ang kanilang desisyon na isuspinde ang nasabing show sa loob ng 12 days.


Agad namang naglabas ng pahayag ang ABS-CBN at It's Showtime, maghahain umano sila ng motion for reconsideration dahil naniniwala silang wala naman silang nilabag na patakaran.


Dahil rito, patuloy pa ring umiere ngayon sa telebisyon at mga online video streaming app upang makapagbigay saya at libangan sa mga madlang people.


Samantala, napansin ng ilang mga netizens na tila naging sunod-sunod na ang mga patutsada ni Vice Ganda at pambabanat laban sa MTRCB at sa Chairperson nito na si Lala Sotto.


Kabilang na rito ang pagsasabi ni Vice Ganda na 'inggitera' sa relationship ng iba at hindi marunong sumuporta.


Sa segment naman na Isip-Bata pabirong binasa ni Vice Ganda ang panimulang sulat ng MTRCB sa kanila, kasunod nito sinabi niyang iisa lamang ang panalangin ng It's Showtime family at ng mga Madlang Pipol.


Bukod dito, nagbiro din si Vice Ganda sa boses ni Vhong Navarro na tila nababagay umano itong mag-announce ng suspension.


Sa segment naman na Tawag ng Tanghalan, tila may pasaring ang host kay Lala Sotto. Sinabi ni Vice Ganda na may mga humusga umano sa kanya dahil lamang sa simpleng dessert.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo