Vice Ganda May Banat Sa Mtrcb Tungkol Sa Pagsuspendi Ng It's Showtime!

Martes, Setyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Malaki ang paniniwala ni Vice Ganda na hindi tuluyang masususpende ang kanilang show na It's Showtime dahil naghain na sila ng Motion for Reconsideration sa MTRCB. Talagang naniniwala si Vice Ganda na wala silang ginawang mali.


Kaya naman sa latest episode ng It's Showtime tila ginawa na lamang nilang biro ang salitang 'suspension' at tinatawanan na lamang.


Sa kamakailang episode ng show, tila muling bumanat si Vice Ganda ng parinig sa MTRCB.


Sa naging biruan nina Vice Ganda at Vhong Navarro sa Tawag ng Tanghalan, tila sinadya umano ni Vice Ganda na banggitin ang pahayag na 'suspension' na sinundan ng malutong na tawanan para ipakitang hindi sila apektado sa inilabas na order ng MTRCB.


Sa kabilang banda, hindi naman nilinaw ni Vice Ganda at wala pa siyang inilalabas na statement patungkol sa kung ano nga ba talaga ang kanyang ibig ipabatid sa kanyang naging pahayag.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo