Tape Incorporated Hawak Na Ang Youtube Channel Na Eat Bulaga! Madlang Pipol Masaya!

Miyerkules, Setyembre 6, 2023

/ by Lovely

Youtube channel ng Eat Bulaga na dating hawak noon ng TVJ, nasa kamay na ngayon ng TAPE Incorporated.


Labis na ikinagulat ng mga tagasuporta ng Legit Dabarkads ang bagong hitsura ngayon ng Youtube Channel ng Eat Bulaga, kung saan napalitan na ang profile picture nito at mga mukha na ng mga panibagong host ang makikita kalakip rin dito ang pangalan ng production company.



Tila maging ang Youtube Channel na dating hawak ng TVJ ay nakuha na rin ng TAPE Incorporated. Gayunpaman, tila hindi naman ito iniisip na banta ng TVJ, ngayong hawak na ng TAPE Inc. ang nasabing Youtube channel.


Sa ngayon, makikita pa rin sa Eat Bulaga YT Channel ang mga nakaraang episodes ng show noong ang legit dabarkads pa ang mga hosts nito.


Kaya naman, marami ang naghihinalang hindi pa rin makakapag-upload ng mga panibagong video clips ang mga panibagong hosts ng Eat Bulaga.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang mensahe o pahayag ang TVJ hinggil sa pagkuha ng TAPE Inc. sa Youtube channel ng Eat Bulaga.


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa ilang mga netizens at mga madlang pipol. May mga nagsasabing karma umano ito kay Lala Sotto dahil sa pagiging bias nito sa E.A.T.


Matatandaan na lumabas noon ang mga haka-haka na pakana ng TVJ ang pagpapatawag ng It's Showtime at plano umano nilang ipasuspinde ito upang maging advantage sa kanilang show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo