MTRCB Chairperson Pinagreresign Ng Madlang Pipol Dahil Sa Pagsuspinde sa It's Showtime

Miyerkules, Setyembre 6, 2023

/ by Lovely


Napupuno ngayon ng pambabatikos mula sa mga netizens at Madlang Pipol ang MTRCB Chairperson na si Lala Sotto dahil sa pagkakasuspinde ng It's Showtime.


Marami sa mga netizens at Madlang Pipol ang nananawagan na magresign na lamang si Lala Sotto dahil hindi umano ito patas at halatang kinikilingan ang E.A.T na pinangungunahan ng kanyang ama na si Tito Sotto.


Nananawagan ngayon ang ilang mga netizens na kailangan nang palitan si Lala Sotto bilang chairperson ng MTRCB dahil pinag-iinitan umano nito ang It's Showtime upang makinabang ang E.A.T.


Ayon sa ilang mga netizens, wala namang mali at hindi malaswa ang ginawang pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez sa cake icing. May mga palabas naman umanong mas malaswa pa sa It's Showtime subalit hindi man lang nabibigyan ng warning.


Samantala, nagbigay na ng pahayag si Lala Sotto kung saan pinabulaanan niyang may naganap na unfair treatment sa mga noontime shows.


Nilinaw din niya na hindi siya kabilang sa mga nagdesisyon na suspendihin ang It's Showtime. Dahil alam umano niyang maraming mga netizens na magrereact at magbabatikos sa kanya.


Sa kabila nito, ipinahayag naman niyang naiintindihan niya ang nararamdaman ng mga tagasuporta ng It's Showtime.


Subalit, hindi naman umano niya kasalanan na gumagawa ng mga violations ang nasabing show.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo