Heart Evangelista Sinagot Ang Tanong Kung Bakit Wala Sa Kasal Ni Lovi Poe!

Lunes, Setyembre 4, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang isyu patungkol sa hindi pagdalo ng actress at fashion icon na si Heart Evangelista sa kasal ng aktres na si Lovi Poe.


Ikinasal si Lovi Poe sa kanyang long-time boyfriend na si Monty Blencowe noong August 26, 2023 sa bansang England.


Bagama't intimate wedding ang naganap marami pa rin ang napapatanong kung bakit tila missing in action roon ang isa sa malapit na kaibigan ni Lovi Poe na si Heart Evangelista.


 Kaya naman naging palaisipan sa ilang mga netizens kung bakit hindi dumalo si Heart sa nasabing wedding. May mgfa naghinala pang baka ay hindi na umano malapit sa isa't-isa ang dalawa kaya hindi nabigyan  ng invitation si Heart.


Kaya naman, naglabas na ng pahayag si Heart Evangelista kung saan ipinunto niya ang dahilan kung bakit wala siya sa kasal ni Lovi Poe.


Ayon sa kay Heart Evangelista sa comment niya sa isang video kung saan maraming nang-iisyu sa kanila, "My dad is in hospital."


Bagama't maiksi agad naman napatunayan ng mga netizens na wala talagang isyu sa dalawang actress na noon pa man ay malapit na sa isa't-isa.


Matatandaan na nagkasama sa iisang proyekto sina Lovi Poe at Heart Evangelista noong 2011 na may pamagat na Temptation Island. Mula noon ay naging malapit na ang dalawang aktres sa isa't-isa.


Bukod sito, nagkasama rin sila sa ilang mga Kapuso series na talaga namang pumatok sa masa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo