Rendon Labador, Sobrang Saya Sa Pagkakasuspinde Ng It's Showtime!

Lunes, Setyembre 4, 2023

/ by Lovely


 Tila nagbubunyi ngayon ang motivational speaker na si Rendon Labador dahil sa suspension order na inilabas ng MTRCB laban sa Kapamilya noontime show na It's Showtime kasunod ng viral scene nina Vice Ganda at Ion Perez sa 'Isip Bata' segment ng nasabing show.


Pinasalamatan din ni Rendon Labador ang MTRCB sa ginawa nilang aksyon laban sa It's Showtime upang maprotektahan umano ang lahat ng mga kabataang manonood sa kalaswaan.


Hindi rin nagpigil si Rendon Labador at may pasaring pa kay Vice Ganda at Ion Perez.


“12 DAYS STAYCATION IS AWARDED TO #ItsShowtime!!! Nanalo ang #BosesNgBayan itigil ang KAHAYUPAN SA SOCMED!!!”


“Maraming salamat sa MTRCB!!! Super good job po sa inyong ahensiya! Madam Lala Sotto salamat po sa napakagandang aksyon! Mag kakasundo po tayong lahat sa pag protekta ng kabataan laban sa mga kalaswaan. Congratulations VICE & ION on this new milestone! #stayMotivated,” pahayag ni Rendon Labador sa kanyang Facebook post.


Matatandaan na nag-ugat ang pagpapalabas ng Notice to Appear and Testify ng MTRCB sa It's Showtime kasunod ng pagrereklamo ng ilang mga netizens at ni Rendon Labador sa indecent acts nina Vice Ganda at Ion Perez sa pagkain ng cake icing.


Sa kabilang banda, naglabas naman ng pahayag ang ABS-CBN kung saan naninindigan sila na walang ginawang mali ang kanilang show. Maghahain din umano sila ng appeal para mapawalang bisa ang inilabas na desisyong ng MTRCB.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo