Noontime Show Ililipat Sa Gabi, Its Showtime O E.A.T?

Martes, Setyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ang isang chika na umano'y maaring mausog sa panggabing slot ang isang noontime show.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, maaring ilagay sa panggabing slot ang isang noontime show dahil sa mga paglabag sa mga alituntunin ng MTRCB para sa mga noontime shows na kadalasang pinapanood ng karamihang mga Pilipino.


Ilang beses na rin umanong nakakatanggap ng reklamo ang tanggapan ng MTRCB hinggil sa mga hindi magandang pinapakita ng nasabing show.


Tila hindi rin umano ito nakikinig sa mga ipinalabas nang warning ng MTRCB at patuloy pa ring gumagawa ng mga hindi kaaya-aya gayung naka-live ang kanilang show.


Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung anong noontime show ang kanilang tinutukoy. May mga nagsasabing baka ang It's Showtime ito dahil sa natanggap nitong suspension mula sa MTRCB.


Matatandaan na isiniwalat noon ni Lala Sotto, chairperson ng MTRCB na ilang beses na nilang pinadalhan ng warning ang It's Showtime dahil hindi ito nag-iingat sa kanilang mga sinasabi.


Sa kabilang banda may mga nagsasabi naman na baka ang tinutukoy ay ang EAT dahil pinatawag din ito ng MTRCB dahil sa pagmumura ni Wally Bayola. May ilang nagrereklamo na rin nito noon pa man dahil sa mga hindi rin magagandang biro ni Joey De Leon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo